Header-Image-Article-2

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Ang Tamis ng Tagumpay

Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Bago pa man dumami ang branch ng Mang Inasal sa mga mall, bago pa nauso ang mga delivery app, matagal nang may mga food business na binabalik-balikan sa kanto — ang isang halimbawa ay ang mga Jolly Jeep.

Alas-onse pa lang, may pila na agad. Hindi sa Jollibee o sa KFC, kundi sa maliit na food truck na nagbebenta ng sisig, longganisa, o lumpiang shanghai. Naka-polo man o naka-sando, pare-parehong gutom at nagmamadali makakain bago bumalik sa trabaho.
“Yung pila? Umaabot minsan ng kalahating oras,” kwento ni Joey, na halos isang dekadang naging suki ng mga Jolly Jeep. “Kaya kami, 11:30 pa lang, baba na agad.”

May kanya-kanya rin siyang paborito. “Kay Mang Lirio ako sa umaga kung gusto ko ng almusal na medyo healthy, tulad ng tuna o itlog. Sa tanghali, kay Ate Alice — yung Sisig sa Rada. Pag Friday, monggo. Sa Jolly Jeep ko natutunan na Friday = Monggo Day.”

Simple lang ang ulam — tapa, itlog, gulay, liempo — pero para sa maraming empleyado, malaking bagay ito. Lalo na kung wala nang oras magluto bago pumasok.

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Kay Mang Lirio ako sa umaga kung gusto ko ng almusal na medyo healthy, tulad ng tuna o itlog

Joey

Suki sa Jolly Jeep

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

“Pagod na ako pag-uwi, so hindi ko na kayang magluto ng pambaon kinabukasan, kayasa JollyJeep na lang ako bumibili. Mas mura rin. Yung natitipid ko, bumabalik sa pambili ng bigas o grocery sa bahay,” dagdag niya.
Makikita mo sa ganitong food business na hindi kailangan ng aircon o signage na may ilaw. Ang kailangan lang ay diskarte, tiyaga, at suking bumabalik araw-araw.

Ang kwento ng JollyJeep ay kwento rin ng maraming food service MSMEs mula karinderya hanggang sa lutong-bahay na binebenta sa Facebook group. Nagsimula sa pangangailangan, sa hilig, o minsan, sa simpleng tanong na “Anong pwedeng pagkakitaan ngayon?”

Maliit man ang pwesto, malaking kabuhayan ang naibibigay. Ganito ang lasa ng tagumpay. Isang kutsarang diskarte, dalawang dakot ng tiyaga, at isang pusong punong-puno ng “Kaya ko’to.”

Lutong-Bahay to Food Business: Saan Nagsisimula ang Tagumpay?

Saan nga ba nagsisimula ang isang food business?Madalas, hindi ito planado. Hindi ito yung may malaking capital agad o detalyadong business plan. Minsan, isang tray lang ng lumpia para sa kapitbahay, o spaghetti sa birthday ng pamangkin.

Sa umpisa, lutong-bahay lang. Habang naglalabao naghahanda para matulungan ang anak sa module nya, may niluluto. Pagtapos na, ililipat sa lalagyan, pipicturan gamit ang cellphone at ipopost sa Facebook group. Pag may nag-order, may food business ka na! Yung iba, ginagamit ang 13th month pay. May iba naman, may pangangailangan na dapat punuan — nawalan kasi ng trabaho noong pandemic. At ano ang napiling negosyo? Isang kilong embutido, ilang pirasong bananacue, o isang bilaong pancit canton para sa merienda ng kapitbahay.

Kahit sa bahay lang niluluto at ikaw lang ang gumagawa ng lahat, bahagi ka na ng food business community ng Pilipinas. At kapag pinasok mo ito bilang kabuhayan, itinuturing ka nang parte ng lumalawak na sektor ng MSMEs— kahit nagsisimula ka pa lang.

Tandaan, hindi mo kailangan ng magarang logo o slogan para masabing may ambag ka sa lokal na ekonomiya. Ang mahalaga: may diskarte, may puso, at may suki.

At doon magsisimula ang tagumpay. Hindi sa laki ng puhunan, kundi sa lakas ng loob na sumubok.

Minsan, nauuna talaga ang ulam bago ang pangalan. Pero basta masarap ang pagkain at maganda ang serbisyo, tuloy-tuloy ang kwento

Food Service at MSMEs: Gaano Kalaki ang Ambag ng Maliliit na Negosyo?

Malaki ang ambag ng food business sa mga MSME sa Pilipinas. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), noong 2023, nasa 190,899 ang negosyo sa sektor ng Accommodation and Food Service Activities — halos 15.4% ng lahat ng MSMEs sa bansa.

Pero hindi lang ito numero. Ang bawat food business ay may kwento kung paano ito nakatulong para kumita, makaraos, at makapagbigay ng abot-kayang pagkain sa komunidad. Tara, silipin natin ang iba’t ibang anyo ng food service sa Pilipinas:

  • Karinderya o turo-turo. Lutong ulam sa kaldero, kadalasang may mesa’t upuan. Pero may iba, take-out lang. Tulad ng karinderya sa tabi ng palengke na may adobo, ginisang gulay, at libreng sabaw tuwing tanghali.
  • Food cart. Fishball, kwek-kwek, milktea, siomai na nakikita mula sa kanto hanggang mall. Isipin si Ate na may milktea sa labas ng school o si Kuya na may Mr. Siomai sa terminal.
  • Jolly Jeep. Parang maliit na food truck na madalas naka-parada sa gilid ng building o sa parking lot, may takip sa bubong, at nag-aalok ng sisig, longganisa, at ulam sa styro o plastic tray. Mas mura kaysa sa fast food, at mas mabilis din para sa mga empleyadong gutom na.
  • Online food seller. Nasa bahay nagluluto, tapos binebenta sa Facebook o Viber. Pre-order para sakto ang luto, gaya ng graham float ni Tita o ulam na ready-to-heat.
  • Pagkain na nilalako sa kalsada. Taho sa umaga, ice drop sa hapon, balut sa gabi. Gamit ang balde, padyak, o tray.
  • Ice candy at halo-halo sa tapat ng bahay. Patok tuwing tag-init. May sign si Ate na “Ice Candy ₱5 lang.” Di lang lakas maka-refresh, lakas din maka-benta.

Lahat ng ito, kahit gaano kaliit, ay food business na may malaking papel sa kabuhayan at sa tagumpay ng MSMEs.

Mga Kwentong Tagumpay ng Food Entrepreneurs

Maraming food entrepreneurs or negosyante sa Pilipinas ang nagsimula sa maliit, pero tumagal o lumago dahil sa tiyaga, galing, at pagmamahal sa lutong Pinoy. Akalain mo, minsa ang putaheng niluto lang para sa kapitbahay unti-unting naging kilalang food business.

Ang mga susunod na kwento ay patunay na kahit galing sa simpleng simula, pwedeng humantong sa tagumpay. Tulad ng karamihan, dumaan din sila sa panahon na ang bumibili lang ay suki, kaibigan, o kapitbahay.

Maliit man ang panimula, malaki at malayo ang maaaring marating. Kung ikaw ay may food business o balak palang magsimula, baka ito na ang inspirasyon na hinihintay mo.

Diskarte sa Jeep: Ang Kwento ng Sisig sa Rada

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Hindi mo kailangan ng aircon o sosyal na pwesto para magtagumpay sa food business. Minsan, isang magandang ulam lang ang puhunan (at syempre, mga suki na bumabalik araw-araw).

Sa gitna ng Makati, sa likod ng mga matataas na building at mamahaling kainan, matatagpuan ang mga Jolly Jeep. Para sa maraming empleyado, ito ang sagot sa araw-araw na tanong na, “Saan tayo kakain?”

Ang isa sa pinakasikat? Ang Sisig sa Rada.

May pila dito halos araw-araw, hindi lang dahil sa presyong abot-kaya, kundi dahil sa lasa ng sisig na paulit-ulit binabalikan.
Ayon sa Booky, ito ay itinuturing na isang pioneer sa industriya. Higit sa 30 taon na nagsisilbi ang Sisig sa Rada at bukod sa sisig, nag-aalok din sila ng iba pang lutong-bahay na ulam tulad ng laing at tapa. Hindi ito sosyal, pero solid ang lasa.

Patunay ito na kahit sa maliit na puwesto, basta’t masarap ang luto at maganda ang pakikitungo sa mga suki, pwede ka nang makabuo ng negosyo na tumatagal.

Hindi ito kwento ng overnight success. Ito ay kwento ng araw-araw na diskarte. At ‘yan ang tunay na lasa ng tagumpay.

Maraming food business ang nagumpisa sa isang simpleng ideya. Parang ang Potato Corner — french fries lang ito, pero may fl avor. Noong 1992, apat na magkakaibigan ang nagsama-sama at nag-ipon para makapagtayo ng maliit na food cart sa SM Megamall.

Ang target nila? Mga estudyante, mga batang mahilig sa chibog, at mga magulang na gusto ng mabilis at murang merienda. Pinatimplahan nila ang fries ng cheese, BBQ, sour cream, at dahil kakaiba ito noong panahong ‘yon, mabilis lumaki ang negosyo.

Sa loob ng tatlong taon, lagpas 100 na ang stalls nila sa Pilipinas. Umabot na din ito sa ibang bansa, tulad ng U.S., Hong Kong, at Dubai. Noong 2024, nasa mahigit 2,000 na ang branches ng Potato Corner sa buong mundo.

Para sa gustong pumasok sa food business, magandang halimbawa ito. Bukas sa franchising ang Potato Corner, kaya may pagkakataon ang mga bagong negosyante na magsimula gamit ang kilalang brand. Bonus pa na may sistema at kasamang suporta.

Mula sa maliit na cart, naging inspirasyon ito sa maraming food entrepreneurs. Patunay na kapag pinagsama ang tiyaga, diskarte, at malasakit sa customer, kahit simpleng merienda, pwedeng maging tagumpay na pang-worldwide.

Fries Lang Noon, Franchise na Ngayon: Ang Kwento ng Potato Corner

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Bacolod Bites: Ang Mga Kwento ng Sharyn’s at Manokan Country

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Sa Bacolod, maliban sa MassKara Festival, ang pinupuntahan talaga ng tao ay pagkain. At sa mundo ng food business sa lungsod, dalawang pangalan ang lagi nang laman ng usapan: Sharyn’s Cansi House at Manokan Country.

Noong 1985, nagsimula si Delia Perez ng maliit na carinderia na may apat lang na mesa at pinangalan niya ito sa anak niyang si Sharyn. Ang specialty nila ay cansi, beef soup na parang pinagsamang bulalo at sinigang. Pero imbes na calamansi o sampalok, batuan ang gamit na pampaasim.

Dahil sa kakaibang lasa, dinarayo ang Sharyn’s ng mga taga-Bacolod at pati mga turista. Noong 2017, kasama pa ito sa Top 50 World Street Food Masters. Isang lutong-bahay na naging world-class sa mundo ng food service.

Kung legit na chicken inasal naman ang hanap mo, ang Manokan Country ang sagot. Dito mo matitikman ang inasal na may usok, may katas, at may sawsawang maalala mo habang-buhay.

Kahit kasalukuyang nirerenovate ang Manokan Country, patuloy pa rin ang food business ng mga nangungupahan sa pansamantalang pwesto nila sa SM City Bacolod. Kasi ang lasa, ang kultura, at ang diskarte, hindi nawawala kahit saan mo ilipat.

Ito ang kwento ng pagkaing may pusong Bacolodnon. Simpleng ulam, pero naguumapaw ang tamis ng tagumpay.

Diskarteng Pangkusina: Tips Para sa Maliit na Food Business

Ang matagumpay na food business ay hindi lang nakasalalay sa lutong ulam. Para sa maraming negosyante, ang tagumpay ay galing sa araw-araw na diskarte — sa bawat desisyon mo sa kusina, sa budget, sa oras, at sa serbisyo.

Narito ang ilang aral mula sa maliliit na food business na nagsimula sa bahay, sa food court, o sa catering. Iba-iba man ang kwento, pare-pareho silang may bitbit na tiyaga at tunay na malasakit.

  • Simulan sa Simpleng Menu at Planadong Galaw. Hindi kailangang magluto ng marami agad-agad. “Mas okay magfocus muna sa isa o dalawang produkto,” sabi ng isang home-based cook. Mas madaling mapanatili ang quality, at mas klaro ang galaw.
  • Alamin ang Galaw ng Budget at Imbentaryo. “Sa umpisa, lahat nirentahan namin — mula chafi ng dish hanggang kutsara,” kwento ng isang caterer. “Pero natuto kaming unahin ‘yung gamit na paulit-ulit naming kailangan.” Kung home-based seller ka, pre-order system ang sagot para walang sayang at siguradong bago.
  • Ayusin ang Serbisyo Dahil ‘Yan ang Babalikan ng Suki. “Kapag may nag-inquire, ako mismo ang sumasagot,” kwento ng isang home baker. “Doon ko rin nakukuha kung anong gusto nila — mula sa lasa hanggang sa packaging.” Hindi lang panlasa ang bumabalik, kundi tiwala.
  • Galingan, Kahit Walang Nakakakita. “Ang nakikita lang ng suki ay ‘yung pagkain sa mesa,” sabi ng isang caterer. “Pero bago ‘yan, may maagang gising, buhat, setup, at linis.” Hindi man bongga, dapat laging maayos, malinis, at may kalidad.
  • Feedback ang Tunay na Sukatan ng Tagumpay. “Yung anak ko, lumpiang togue mo lang kinakain,” kwento ng isang suki sa home cook. Isa namang online seller, nung lilipat na sila ng bahay, sinabihan ng, “Mamimiss namin ang kimchi n’yo.” Hindi lang pagkain ang binebenta, koneksyon din.

Pabaon sa Tagumpay

Hindi laging madali ang magpundar ng food business.

Maaga ang gising, mainit sa kusina, at madalas, kailangan mong pagsabayin ang pagluluto, pag-aasikaso ng order, at pag-deliver. Pero sa bawat pagkain na inihahain, may pamilyang naaalagan, may suking nabubusog.

Marami sa mga MSME sa Pilipinas ay bahagi ng food service sector — mga karinderya, food cart, online seller, o catering na nagsimula lang sa simpleng tanong na, “Paano kaya kung subukan ko?”

Hindi mo kailangan ng malaking puhunan o sosyal na pwesto para matawag na matagumpay. Minsan, sapat na ang masabihan ng, “Ang sarap ng luto mo!” o ang batang nag-aabang ng paborito niyang ulam tuwing uwian.

Kung ang kita ay may halong pagmamahal at diskarte, tagumpay na rin ‘yon.

Kaya kung nagsisimula ka ng food business (o nag-iisip palang kung susubok ka), tandaan: hindi ka nag-iisa. Sa lutong bahay ka man mag-umpisa, pwedeng maging lutong tagumpay ang kwento mo.

Sources

– Department of Trade and Industry. “2023 Philippine MSME Statistics.”
Accessed May 16, 2025.
– Bacolod Lifestyle and Travel Guide. “Manokan Country: A Fusion of Tradition and Progress in Bacolod City.”
Accessed May 16, 2025.
– Daily Guardian. “Demolition of Old Manokan Country Site Begins.”
Accessed May 16, 2025.
– GMA News Online. “DOT: Sharyn’s Kansi Nod A Validation Of NegOcc’s Rich Culinary Tourism.”
Accessed May 16, 2025.
– Sunstar. “Sharyn’s Cansi: World-Class Beef Soup.”
Accessed May 16, 2025.

– Backscoop. “Potato Corner: The Filipino Food Cart That Shook The World.”
Accessed May 16, 2025.
– Bilyonaryo.com. “Po Family Bets on Potato Corner to Fuel Shakey’s Overseas.”
Accessed May 16, 2025.
– Business World. “Potato Corner Hits 2,000th Store.”
Accessed May 16, 2025.
– TripAdvisor. “Sisig sa Rada.”
Accessed May 16, 2025.
– Booky. “6 of the Must-Try Jollijeep Stalls in Makati.”
Accessed May 16, 2025.

Handa ka na bang simulan ang iyong Negosyo?

I-explore ang iba’t ibang business suppliers sa buong bansa at hanapin
ang tamang partner para sa iyong pangangailangan sa
paglago ng iyong negosyo.

Bumisita na sa aming directory ng mga trusted suppliers ngayon at i-level up ang iyong business operations!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay
Header-Image-Main-Article

Our Advocacy X

Kaya mo ‘To

Tagumpay Para sa mga Negosyanteng Pilipino

Pag narinig mo ang salitang “tagumpay,” ano ang una mong naiisip? Ito ba ay isang malaking negosyo na may sariling building. O kaya naman isang office na may aircon, madaming empleyado, at may delivery truck na may logo — ‘yung tipong featured sa TV, may billboard, o may sariling branch sa mall? Aminin — ganyan naman talaga madalas ang naiisip natin pagdating sa tagumpay. Malaki, sosyal, at may pangalan.

Pero paano naman yung nagbebenta ng lugaw sa kanto? O yung may tindahan sa harap ng bahay? Yung magsasakang gumigising ng madaling araw para makapagtinda ng gulay sa palengke? Hindi ba sila matagumpay?

Kung kami ang tatanungin, ang sagot namin ay isang malaki at malakas na “Oo.”

Hindi naman nasusukat ang tagumpay sa laki ng kita o dami ng empleyado. Minsan, sapat na yung nakakaraos ang pamilya mo. O may suking bumabalik dahil pinagkakatiwalaan nya ang produkto o serbisyo mo. O ‘yung simpleng pangarap na unti-unting nabubuo sa bawat araw na kumakayod ka.

At kung titingnan natin, iba’t-iba ang pinagmulan ng mga ‘yan.

Our Advocacy X

Pag narinig mo ang salitang “tagumpay,” ano ang una mong naiisip? Ito ba ay isang malaking negosyo na may sariling building. O kaya naman isang office na may aircon, madaming empleyado, at may delivery truck na may logo — ‘yung tipong featured sa TV, may billboard, o may sariling branch sa mall? Aminin — ganyan naman talaga madalas ang naiisip natin pagdating sa tagumpay. Malaki, sosyal, at may pangalan.

Pero paano naman yung nagbebenta ng lugaw sa kanto? O yung may tindahan sa harap ng bahay? Yung magsasakang gumigising ng madaling araw para makapagtinda ng gulay sa palengke? Hindi ba sila matagumpay?

Kung kami ang tatanungin, ang sagot namin ay isang malaki at malakas na “Oo.”

Hindi naman nasusukat ang tagumpay sa laki ng kita o dami ng empleyado. Minsan, sapat na yung nakakaraos ang pamilya mo. O may suking bumabalik dahil pinagkakatiwalaan nya ang produkto o serbisyo mo. O ‘yung simpleng pangarap na unti-unting nabubuo sa bawat araw na kumakayod ka.

At kung titingnan natin, iba’t-iba ang pinagmulan ng mga ‘yan.

May mga negosyo na nagsimula dahil sa pangangailangan — kailangan mo ng dagdag kita, gusto mong mapagtapos ang anak, o dahil nawalan ka ng trabaho. Pero may mga negosyo rin na bunga ng pangarap. Nabuo dahil may gustong subukan, may planong matagal nang pinagmumuni-munihan, o simpleng hilig na ginawang hanapbuhay. Minsan diskarte lang, minsan planado. Minsan naman, tawag ng pangangailangan — pero dahil sa tiyaga at timing, naging oportunidad.

At habang tinatahak mo ang landas na minsan ay madilim at mabagal, unti-unti nagpapakita ang bunga ng sipag at tiyaga. Pwedeng mas dumami ang suki. Pwede kang mag-hire ng mga kasama. Pwede lumago ang maliit mong negosyo. At pag narating mo na ang puntong ito, napagtatanto mo na maari ka nang mangarap nang mas malaki.

Ano ang Tunay na Tagumpay?


Madalas nating marinig ang, “Basta may kita, ayos na.”

Totoo naman ‘to. Di mapagkakaila na kita talaga ang batayan ng tagumpay, lalo na sa umpisa. Kung may benta ka ngayong araw, may pambili ka ng ulam bukas. Pag umabot hanggang sa susunod na araw, ayos!

Pero habang tumatagal ka sa pagnenegosyo, minsan mapapaisip ka — may ibang sukatan pa ba ang pagiging matagumpay? Mare-realize mo na hindi lang pala tungkol sa tubo. May mga bagay na hindi nasusukat sa resibo o kita pero mahalagang bahagi pa rin ng tagumpay.

Halimbawa, naaalala mo pa ba yung unang customer mo na bumalik sa ‘yo? Aba, may suki ka na! And di lang yun — bitbit pa ang kaibigan nya! Maaring maliit na bagay, pero isang napakalaking mensahe ang dala nito: may tiwala sila sa ‘yo at sa negosyo mo.

O kaya naman, yung anak mo na dati ay nagmamasid-masid lang sa ginagawa mo ay naging interesado ng tuluyan. Akalain mo, ngayon siya na ang nagbabantay ng tindahan tuwing hapon. Unti-unti na rin niyang nakikita ang halaga ng sipag mo, hangga’t naging parte na kayo ng iisang pangarap.

Minsan din, ang tagumpay ay ‘yung pagbangon kahit wala kang benta kahapon, o yung pagngiti mo sa suki kahit kulang pa ang panukli. Yung mga simpleng araw na pinili mong magpatuloy kahit pagod ka na. Mindan, ang tagumpay ay hindi nasusukat ng pera.

May mga pagkakataon na hindi maipapakita ng isang graph o chart na naabot mo ang tagumpay, pero ramdam mo. At ramdam din ito ng mga taong umaasa sa’yo.

Habang lumalago ang negosyo mo, lumalawak din ang epekto nito. Hindi mo lang agad napapansin.

Yung kapitbahay mong hinire mong tagaluto, may hanapbuhay na. Yung suki mong bumibili ng tingi sa’yo para ibenta ulit sa kabilang barangay, may kabuhayan na. Yung supplier mong taga-Benguet, umaasa na rin sa orders mo para makapagtuloy sa sakahan.

Ang tagumpay ay hindi lang yung “nakakaraos.” Ang tunay na tagumpay ay ‘yung nakakapagbigay. Nagbibigay ng serbisyo. Nagbibigay ng kabuhayan. Nagbibigay ng inspirasyon.

Minsan, hindi mo pa ito napapansin. Pero sa ibang tao, lalo na ng pamilya mo, matagumpay ka na. Dahil patuloy mong ginagawa ang kailangan kahit hindi ito madali. At kung sa simula tingin mo maliit lang ang negosyo mo, darating ang panahon na nakikita mo na may mas malawak pala itong silbi. Hindi lang para sa bulsa, kundi para na rin sa puso, sa dangal, at sa kinabukasan.

MSMEs: Mga Natatagong Bayani

Kapag sinabi mong “negosyo,” ano ang iniisip agad ng karamihan? Jollibee. SM. Grab. ‘Yung may
billboard sa EDSA, o kaya may branch sa bawat sulok ng mall. Malaki, kilala, at may commercial sa TV.

Pero sa totoo lang, hindi lang sila ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas. Yung mga nasa tabi-tabi lang — sila ang mga tunay na haligi ng kabuhayan. Ito ang mga tinatawag natin na mga micro, small, at medium enterprises, o MSMEs. Kasama dito ang tailoring shop sa may eskinita, ang repair shop ng motor sa kanto, ang maliit na printing business sa labas ng eskwelahan, at ang karinderyang may dalawang tauhan sa loob ng palengke.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, 99.63% ng rehistradong negosyo sa Pilipinas ay MSMEs. Oo, halos lahat! <Include top 5 here, maybe have a short explanation of each?, retail (sari-sari store), water refilling station, agriculture, motorcycle deliveries>

At kahit maliliit ang mga negosyong ito, ang laki ng ambag nila — 63% ng mga empleyado sa bansa ay galing sa MSMEs, at halos 40% ng kabuuang kita ng bansa (GDP) ay mula sa kanila. Ito ‘yung mga negosyong kadalasang rehistrado — may DTI permit, may resibo, at bahagi ng opisyal na tala ng ating ekonomiya.

Pero hindi ibig sabihin na kung hindi rehistrado, ay wala nang halaga. Maraming negosyo ang nagsisimula sa isang mesa lang sa tapat ng bahay, o isang panindang nilalako sa kalsada. At kahit hindi pa sila kasama sa mga opisyal na bilang, hindi pa din mapagkakaila ang kontribusyon nila sa ekonomiya. Bumibili rin sila ng paninda, nagbabayad ng upa, nagpapaaral ng anak, at minsan, nakakakuha pa ng kasamang tumulong sa kanila.

Wala man sa listahan ng gobyerno, ramdam sila ng komunidad.

Minsan kasi, hindi mo agad mararamdaman ang kahalagahan ng ginagawa mo. Walang award, walang bonggang post tungkol sayo sa Facebook o sa TikTok, at walang magsasabing, “Uy, ang galing mo ha!”

Pero sa araw-araw mong pagkayod, may nangyayaring mahalaga — kahit hindi mo agad napapansin. May pamilya kang napapakain, may tiwalang nabubuo sa mga suki mo, at may mga panindang umaabot sa hapag ng iba.

At hindi lang kita ang puhunan. Kasama na din ang pagod, panahon, at puso. Ang negosyo mo, gaano man kaliit, ay tahanan ng pangarap — hindi lang yung sa’yo, kundi pati na rin sa mga pangarap ng mga taong umaasa sa’yo.

Yung anak mong nagmamasid habang nag-aayos ka ng paninda? Baka bukas, siya na ang magpatuloy ng sinimulan mo. Yung kapitbahay mong tumulong kahit walang bayad? Baka dahil sa’yo, matuto rin sya at ma-inspire na magtayo ng sarili nyang negosyo.

Wag na wag mong isipin na hindi mahalaga ang ginagawa mo. Di mo man naiisip ngayon, nagdadala ka ng pagbabago at pag-asa para sa sarili mo, sa mga mahal mo sa buhay, at sa ibang tao na nakapaligid sayo. Hindi ka rin basta-basta. Isa kang tunay na bayani.

Kaya hindi mo kailangan ng spotlight para masabing mahalaga ka. May kwento sa likod ng bawat tansan, tingi, o sukli na hawak mo. At ‘yang kwento mo, bahagi ng kwento ng ekonomiya ng Pilipinas.

Walang Pinipili ang Tagumpay

May mga nagsimula ng negosyo kasi
kailangan nila ng kita agad. May iba naman, dahil gusto lang nilang subukan. Meron ding napilitan lang dahil nawalan ng trabaho. Minsan, minana — ang dating tindahan ng mga magulang, siya na ang nagpapatakbo ngayon.

Iba-iba ang simula. Iba-iba ang dahilan.

Pero pare-pareho ang tanong:
Pwede rin ba akong magtagumpay?

Ang sagot:
Oo. Pwedeng-pwede.

Our Advocacy X

Hindi lang para sa may koneksyon ang tagumpay. Hindi ito limitado sa may kapital, degree, o karanasan. Minsan, bunga ito ng lakas ng loob at kaunting diskarte.

Tingnan mo ‘yung kapitbahay mong nagbebenta lang dati ng lumpia tuwing merienda. Ngayon, may tatlong mesa na sa karinderya niya at may kasamang taga-luto. Hindi naman siya nag-aral ng business management. Pustahan tayo, nagkamali, natuto, at nag-adjust sya ng paulit-ulit. Ang importante, tinuloy niya.

Isa pang halimbawa ay si kuya na dati nagde-deliver lang ng frozen goods. Ngayon, siya na ang nagmamay-ari ng maliit na storage at reselling setup. Lahat ng alam niya, galing sa karanasan at YouTube tutorials.

Hindi laging plantsado ang simula. Minsan nga, hindi mo alam na “negosyo” na pala ‘yung ginagawa mo. Nagbebenta ka lang ng ulam online, tapos biglang may umorder ulit kinabukasan. Aba, tuloy-tuloy na!

Ang tagumpay ay hindi lang nagmumula sa swerte. Hindi din sa pagiging sobrang talino o galing. Minsan, ang puhunan mo ay tiyaga at bukas na kaisipan. Kung marunong kang makinig sa feedback, umamin kapag sumablay, at handang matuto kahit papano, malayo ang mararating mo.

At kung umabot ka sa punto na pagod ka na, nalilito, o nagdadalawang-isip kung tama pa ba ‘tong ginagawa mo, tandaan: walang iisang formula ang tagumpay.

May mga umaangat agad. May mga mabagal ang simula. May mga nadapa (minsan paulit-ulit pa!) bago makatayo ng maigi. May kwento ang bawat isa. At sa bawat kwento, may posibilidad.

Kahit saan ka pa nagsimula at kahit ano pa ang dahilan mo, kasama ka sa laban. At kung ngayon mo lang naisip na kaya mo rin? Tamang-tama. Maaring ngayon mo na matatamo ang tagumpay para sa’yo.

Kasama Mo ang Tagumpay

So, napag-usapan na natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng tagumpay at kung gaano kalaki ang parte ng mga negosyanteng tulad mo sa kabuuan ng kwento. Kung ikaw naman ay magsisimula pa lang (o nagbabalak palang), kasama ka din dito.

What is in store — tips, resources, and then that we are forming a community

Ngayon, gusto naming malaman mo na hindi ka nag-iisa. Alam namin, minsan parang ang dami mong kailangang gawin. Ikaw ang boss, pero ikaw din ang taga-lista, taga-deliver, minsan pati taga-sagot telepono at pagharap sa reklamo ng customer.

Nakakapagod, nakakalito, at minsan, parang walang kasiguraduhan. Kaya nandito ang Tagumpay, para sa mga taong tulad mo — yung nagsisimula, nagtataka, natuto sa pagkakamali, pero ayaw pa ring sumuko.

Hindi ito lecture ha. Hindi rin ito pang-masters class. Ito ay gabay, kwentuhan, at samahan para sa mga small business dreamers na gustong mas maintindihan ang negosyong pinasok nila.

Dito, pag-uusapan natin ang mga tanong
na hindi mo madalas maitanong:
– Paano nga ba i-manage ang kita?
– May paraan ba para hindi maubos
ang puhunan?
– Kailangan ko ba talaga ng resibo?
– Paano ko malalaman kung handa
na akong mag-expand?

Kung ang accounting mo ay notebook at ballpen, ayos lang. Kung ang kapital mo ay galing sa ipon o utang kay ate, okay din lang. At kung nalilito ka pa rin sa pinagkaiba ng gross at net — wag kang magalala, kasama mo kami at ipapaliwanag namin yan.

May darating pa tayong tips, how-tos, at kwento ng ibang negosyante — yung mga nagsimula sa maliit, pero unti-unting lumago. Wala kaming sinasabi na ito lang ang “tamang” paraan. Andito kami para tulungan kang hanapin ang sarili mong paraan.

Kaya kung matagal mo nang tinatanong kung may tutulong ba sa’yo, eto na ‘yun. Kasama mo ang Tagumpay.

Kung Kaya Nila, Kaya Mo Rin

Kung umabot ka sa parteng ‘to, una sa lahat — salamat. Kasi ibig sabihin, interesado ka.
At kung interesado ka, ibig sabihin… may chance na.

Baka ngayon, meron ka nang maliit na negosyo. O baka wala pa (baka nangangapa ka pa lang, nag-iisip kung susugal ba). Okay lang ‘yan. Ang pinakakawili-wiling mga kuwento ay laging nagsisimula sa “Paano kaya kung…?”

Ang mahalaga ay:
– Ngayon alam mo na na hindi mo kailangang maging eksperto para magtayo ng isang negosyo.
– Hindi mo kailangang magkaroon ng milyon-milyon sa bangko bago magsimula
– Tapang, tiyaga, at tiwala sa sarili ang magtataguyod sayo.

At huwag kang mag-alala — hindi ka nag-iisa. Tagumpay is here to keep you company. Tutulungan ka naming malinawan sa mga bagay na nakakalito, at ipapaalala sa’yo ang mga madalas nakakalimutan — na mahalaga ka, may silbi ang ginagawa mo, at kahit maliit pa ‘yang negosyo mo ngayon, baka ‘yan na ang simula ng pagbabago.

Kung kaya ng iba, kaya mo rin.

Simula pa lang ‘to. Ang dami pa nating pag-uusapan. At oo, excited na kami para sa mga susunod mong tagumpay.

Handa ka na bang simulan ang iyong Negosyo?

I-explore ang iba’t ibang business suppliers sa buong bansa at hanapin
ang tamang partner para sa iyong pangangailangan sa
paglago ng iyong negosyo.

Bumisita na sa aming directory ng mga trusted suppliers ngayon at i-level up ang iyong business operations!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay
Funding_Image

Saan Pwedeng Humiram ng Kapital?

Saan Pwedeng Humiram ng Kapital?

(Mga Oportunidad para sa Negosyanteng Pilipino)

“Gusto kong magsimula ng negosyo, pero saan ako kukuha ng puhunan?”
Isa ito sa pinaka-karaniwang tanong ng mga gustong pumasok sa mundo ng pagnenegosyo.

Ang daming may magandang ideya, may galing, at may tapang — pero nahihinto dahil sa isang bagay: kulang sa kapital. Pero ang hindi alam ng marami, marami na ngayong mapagkukunan ng puhunan sa Pilipinas — legal, accessible, at akma sa maliliit na negosyante.

Sa gabay na ito, tutulungan ka naming sagutin ang tanong na:
Saan pwedeng humiram ng kapital?
Tatalakayin natin ang mga opsyon mula gobyerno, pribadong sektor, investors, at financial grants — para makapagsimula o makapag-expand ka ng negosyo nang may kumpiyansa.

Bakit Mahalaga ang Tamang Kapital?

Ang kapital ay hindi lang pera — ito ang tulay mula ideya papunta sa aktwal na negosyo. Kung wala kang puhunan, mahirap simulan kahit gaano kaganda ang plano mo.

Ano ang gamit ng kapital?

  • Pambili ng panimulang inventory

     

  • Bayad sa renta o equipment

     

  • Budget para sa marketing o website

     

  • Sweldo para sa tauhan o sarili mong allowance habang nag-ooperate

     

Ang tamang kapital ay nagbibigay sa’yo ng momentum at flexibility, lalo na sa unang tatlong buwan ng operasyon.

Government Loan Programs (Para sa MSMEs)

Maraming ahensya ng gobyerno ang may layuning suportahan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) — lalo na ang mga nagsisimula pa lang.

Halimbawa ng mga government loans:

  • Micro-loans para sa sari-sari stores, food stalls, freelancers

     

  • Recovery loans para sa mga naapektuhan ng krisis o kalamidad

     

  • Startup support para sa kababaihan, kabataan, o OFWs na gustong magnegosyo

     

Karaniwang benepisyo:

  • Mababang interest rate (mas mababa sa commercial banks)

     

  • Flexible na terms

     

  • Hindi kailangan ng kolateral sa ilang programa

     

Paano mag-apply?

  • Magpunta sa local business center, munisipyo, o online portal ng mga government loan programs

     

  • Ihanda ang:

     

    • Valid ID

       

    • Barangay clearance

       

    • Simpleng business plan

       

    • Application form

       

Private Lending Options (Mas Mabilis, Pero Mag-ingat)

Kung kailangan mo agad ng puhunan at gusto mo ng mas mabilis na proseso, pwede kang lumapit sa mga private lending institutions.

Karaniwang private lending sources:

  • Microfinance groups — para sa maliliit na negosyo (karinderya, reselling, etc.)

     

  • Online lending platforms — mabilis ang application, pero dapat siguraduhin na lisensyado

     

  • Community-based lenders — gaya ng kooperatiba o group financing

     

Reminder:
Siguraduhing rehistrado sa SEC
Basahing mabuti ang terms, lalo na sa interest rate
Iwasan ang lending apps na walang malinaw na policies o mataas ang hidden fees

Angel Investors at Private Funding

Kung ang negosyo mo ay malikhain, scalable, o may unique value, may chance kang makahanap ng private investor o tinatawag na “angel investor.”

Paano ito gumagana?

  • Magpipresenta ka ng business plan

     

  • Papakita mo ang potential ng idea mo

     

  • Maaaring mag-invest sila kapalit ng equity o kita

     

Maganda itong option kung ayaw mong mangutang pero handang magbahagi ng ownership.

Pwedeng mahanap ang mga investor sa:

  • Startup events

     

  • Negosyo forums

     

  • Online business communities

     

Financial Grants (Hindi Utang — Libre Ito!)

Kung ikaw ay nasa disadvantaged sector o nakitaan ng potential ang negosyo mo, may mga grant programs na nag-aalok ng:

  • Puhunan (cash)

     

  • Equipment o starter kit

     

  • Libreng training o mentorship

     

Karaniwang kwalipikado:

  • Negosyanteng naapektuhan ng bagyo o pandemya

     

  • Kababaihan o youth entrepreneurs

     

  • First-time business owners na may solid plan

     

Paano makahanap ng grants?

  • Tumutok sa announcements ng barangay, munisipyo, DTI, o livelihood programs

     

  • Sumali sa mga entrepreneurship bootcamps — madalas may grant prizes ito

     

Real-Life Example:

Si Anna ay single mom na nagsimula ng negosyong baked goods mula sa bahay. Nagsimula siya gamit ang ₱3,000 puhunan mula sa isang livelihood grant. Sa tulong ng barangay at simpleng marketing sa Facebook, nakapagbenta siya ng halos ₱15,000 sa unang buwan. Mula roon, nag-loan siya para makabili ng oven at ngayon, tatlong empleyado na ang tinutulungan niya.

Lesson:
Hindi laging malaki ang kailangan. Basta maayos ang paggamit ng pondo, pwede kang magsimula kahit maliit.

Checklist Bago Mangutang o Humingi ng Kapital

May malinaw ka bang plano kung saan mo gagamitin ang pera?
Naiintindihan mo ba kung paano ka kikita mula sa negosyong ito?
May estimate ka ba ng kita at gastos kada buwan?
Kaya mo bang magbayad kahit sa low sales months?
Handa ka bang i-manage ang negosyo nang legal (may resibo, tax, etc.)?

Kapag “YES” ka sa karamihan diyan — ready ka nang mag-apply!

FAQs – Madalas Itanong

Pwede bang mangutang kahit hindi pa rehistrado ang negosyo ko?

Oo, may mga programang tumatanggap ng pre-registration applicants, basta may plano kang i-register ang negosyo sa loob ng ilang buwan.

Ano ang kaibahan ng loan at grant?

Ang loan ay may bayad na interest at kailangang bayaran sa takdang panahon.
Ang grant ay libreng puhunan — hindi mo kailangang bayaran, pero kadalasan ay may selection process.

Legal ba ang online lending apps?

Hindi lahat. Siguraduhing SEC-registered at may malinaw na terms bago mag-apply. Iwasan ang apps na namumwersa o walang customer support.

Paano kung hindi ako makabayad agad?

Pumili ng financing option na may grace period o flexible terms. Makipag-ugnayan agad sa lender — ang transparency ay makakatulong sa restructuring.

May chance bang makakuha ng puhunan kahit maliit ang kita ko?

Oo, lalo na sa microfinance at community-based lending. Ipinapakita lang dapat na may commitment kang magbayad at may potensyal ang negosyo mo.

Konklusyon: Hindi Hadlang ang Kakulangan ng Puhunan

Kung iniisip mo kung saan pwedeng humiram ng kapital, tandaan:
Hindi hadlang ang pera — kung may plano at lakas ng loob.

May mga ahensya, lending groups, at community programs na naghihintay lang na magtanong ka.
Ang puhunan ay kasangkapan — pero ang tagumpay ay manggagaling pa rin sa’yo.

Simulan sa maliit. Maging responsable sa pondo. At huwag mahiyang humingi ng tulong.

Magsimula ng Negosyo_Image

Paano Magsimula ng Negosyo sa Pinas

Paano Magsimula ng Negosyo sa Pinas

(Step-by-Step na Gabay para sa 2025)

Ang tanong ng karamihan: “Paano magsimula ng negosyo?”

Sa dami ng kailangang ayusin — permits, papeles, at plano — madali kang ma-overwhelm. Pero ang totoo, hindi mo kailangang maging eksperto para makapagsimula. Kailangan mo lang ng tamang gabay, kaunting tiyaga, at malinaw na direksyon.

Ngayong 2025, mas madali nang magnegosyo sa Pilipinas. Sa tulong ng digital tools, supporta mula sa gobyerno, at lumalaking demand sa mga lokal na produkto’t serbisyo, panahon mo na para sumubok.

Sa gabay na ito, tuturuan ka naming paano magsimula ng negosyo sa Pinas — step-by-step, sa paraang simple at praktikal.

Bakit Ngayon ang Tamang Panahon para Magsimula ng Negosyo?

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), 99.6% ng mga rehistradong negosyo sa bansa ay MSMEs. Ibig sabihin, karamihan sa mga negosyante ay nagsimula rin sa maliit.

At ngayong 2025:

  • Mas mabilis na ang online registration 
  • May mga loan at training programs para sa maliliit na negosyante 
  • Mas madali nang magbenta online gamit ang Facebook, Shopee, Lazada 
  • Tumataas ang supporta ng mga Pilipino sa lokal na negosyo 

Hindi mo kailangan ng milyon-milyong puhunan. Ang kailangan mo ay malinaw na simula.

Step 1: Tukuyin ang Negosyong Aakma sa’yo

Bago ka pumunta sa DTI o BIR, alamin mo muna kung anong klase ng negosyo ang gusto mong simulan.

Mga tanong na pwede mong sagutin:

  • Ano ang kaya kong gawin o i-offer? 
  • Anong problema ang kaya kong solusyonan? 
  • May demand ba ito sa lugar ko o online? 

Halimbawa, may isang kaibigan ako na nagsimula lang magbenta ng lutong ulam sa kapitbahay. Dahil nakita niyang maraming busy sa trabaho at walang oras magluto, inalok niya ito bilang lunch delivery. Ngayon, may dalawang empleyado na siya.

Lesson? Simulan sa problema. Alamin kung paano mo ito maa-address gamit ang produkto o serbisyo mo.

Step 2: Gumawa ng Simpleng Business Plan

Hindi mo kailangan ng bonggang dokumento. Kahit isang pahina lang, basta malinaw kung anong direksyon ang tatahakin mo.

Isama sa simpleng plano mo:

  • Ano ang produkto o serbisyong inaalok mo? 
  • Sino ang target customers mo? 
  • Paano mo sila maaabot? (online, physical store, referrals) 
  • Magkano ang puhunan, gastos, at presyo? 
  • Gaano kalaki ang target mong kita sa unang 3-6 buwan? 

Pwede kang gumamit ng notebook, Google Docs, o template gaya ng Business Model Canvas. Ang mahalaga, hindi ka lutang habang nag-uumpisa.

Step 3: Legal Requirements — Gawing Legal ang Negosyo Mo

Para makaiwas sa multa, hassle, at pagsasara ng negosyo, siguraduhing kumpleto ka sa permits at registration.

Mga Legal na Hakbang:

1. Piliin ang Business Name

  • I-check kung available ito sa DTI Business Name Search 
  • Dapat hindi pa ginagamit ng iba 

2. Magparehistro sa DTI o SEC

  • Kung sole proprietor ka, sa DTI ka magrerehistro 
  • Kung partnership o corporation, sa SEC 

3. Kumuha ng Barangay Clearance

  • Sa barangay hall kung saan matatagpuan ang negosyo mo 
  • Dalhin ang DTI/SEC papers, valid ID, at proof of address 

4. Kumuha ng Mayor’s Permit

  • Sa city/municipal hall 
  • Kailangan ito para maging legit ang operations mo 

5. Magparehistro sa BIR

  • Kumuha ng TIN para sa negosyo 
  • Magpa-approve ng resibo (ATP) at books of accounts 
  • Obligado kang magbayad ng buwis at mag-file ng ITR 

6. (Optional) Business Insurance

  • Kung may tindahan ka o staff, makabubuting may insurance para sa seguridad 

Kapag legal ang negosyo mo, mas malaki ang kumpiyansa ng kliyente at mas makakaiwas ka sa problema sa hinaharap.

Step 4: Magbukas ng Business Bank Account

Huwag mong ihalo ang personal at business na pera. Bukod sa nakakalito, delikado rin ito kapag may legal na usapin.

Kailangan mo ng:

  • DTI/SEC Certificate 
  • Mayor’s Permit 
  • Valid ID 
  • TIN 

Kapag hiwalay ang account, madaling i-track ang kita, gastos, at taxes.

Step 5: Pondohan ang Negosyo (Kahit Maliit ang Simula)

Ang tanong: Kailangan ba ng malaking puhunan para magsimula ng negosyo?

Hindi. Ayon sa studies, maraming microbusinesses ang nagsimula sa ₱20,000 – ₱100,000 lang.

Saan pwedeng kumuha ng pondo?

  • Sariling ipon (bootstrapping) 
  • Family or friends na willing magpahiram 
  • DTI Pondo sa Pagbabago (P3) – low-interest loan 
  • Local cooperatives o lending institutions 
  • Go Negosyo at iba pang MSME programs 

Tip: Mag-umpisa sa kaya mong i-manage. Huwag kang mangungutang nang hindi sigurado sa flow ng negosyo.

Step 6: Ayusin ang Branding at Online Presence

Mas maraming Pilipino ang nagso-shopping o naghahanap ng services online. Kaya kung wala ka sa internet, posibleng hindi ka makita.

Simulan mo sa:

  • Professional-looking logo at visuals (Canva – libre!) 
  • Facebook Page at Instagram account 
  • Google Business Profile (lalo na kung may physical shop) 
  • Basic website (pwede sa Wix o WordPress) 

Mas maayos ang tingin ng customers kapag presentable ang online identity mo.

Step 7: Hanapin ang Unang Customer

Walang negosyo kung walang customer. Kaya kahit wala ka pang bayad sa ads, pwede mo nang simulan ang marketing mo.

Subukan ito:

  • Post sa personal Facebook account mo 
  • Magbigay ng discount o trial sa mga kaibigan 
  • Sumali sa local Facebook groups (buy and sell, barangay page) 
  • Gumamit ng free tools like Canva, CapCut, at Google Forms 

Ang goal mo: Makarinig ng feedback. Ang unang sampung customer mo ang magsasabi kung may future ang negosyo mo.

Step 8: Panatilihin ang Compliance at Ihanda ang Negosyo para Lumago

Kapag tuloy-tuloy na ang benta, wag kalimutang i-maintain ang legal at financial side ng negosyo.

Gawin mong habit:

  • Mag-file ng monthly/quarterly taxes sa BIR 
  • Mag-renew ng Mayor’s Permit at barangay clearance yearly 
  • Gumamit ng simple tracking system (Excel or free accounting tools) 
  • I-consider ang insurance para sa peace of mind 

Pag ready ka na, pwede ka nang:

  • Mag-hire ng tauhan 
  • Magdagdag ng produkto o service 
  • Mag-expand sa ibang lugar o online platforms 

Tandaan: Mas okay ang bagal pero maayos kaysa mabilis pero sabog.

Konklusyon: Paano Magsimula ng Negosyo at Bakit Mahalaga Ito

Ang tanong na “paano magsimula ng negosyo” ay hindi lang tungkol sa kung anong form ang pipirmahan — ito’y tungkol sa kung paano ka magsisimula ng bagong yugto ng buhay mo.

Bilang bahagi ng MSME sector, mahalaga ang papel mo sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Isang sari-sari store, online seller, o home-based service — lahat ito may ambag.

Ang pagsisimula ng negosyo ay hindi lang tungkol sa kita. Ito’y tungkol sa independensiya, oportunidad, at kontribusyon sa komunidad.

Kaya kung handa ka nang sumubok, ang tanong ay hindi na “paano?”
Kundi: kailan ka magsisimula?