Mula Bigas Hanggang Labada

By Erica Delos Reyes

Mula Bigas Hanggang Labada

Kailangan alam mo 'yung pinapasok mong negosyo

Buena Rose Ragual

BigZe Corporation

Mula Bigas Hanggang Labada

Sa panahong puno ng pangamba at pagbabago, maraming negosyo ang nagsara at maraming tao ang nawalan ng kabuhayan. Ngunit may ilan din na nagtagumpay sa kabila ng pagsubok.

Isa na rito ay si Buena Rose Ragual, siya ang may-ari ng Bigze Corporation, na nagsimula bilang isang rice dealer noong panahon ng pandemya.

Sinimulan ni Buena Rose ang kanyang simpleng pangarap na makapagsimula ng negosyo kahit limitado lamang ang galaw noong pandemya.

Pinasok niya ang pagbebenta ng bigas upang makatulong sa komunidad at mapanatili ang kanyang kabuhayan. Sa pamamagitan ng determinasyon at tamang diskarte, unti-unting lumago ang kanyang negosyo.

Nagkaroon pa ito ng water refilling station at kalaunan ay nakapagtayo siya ng sariling laundry shop.

Pagbuo ng Negosyo sa Gitna ng mga Hamon

Bagama’t mahirap sa simula at may mga panahong napapanghinaan ng loob, hindi sumuko si Buena Rose. Pinagpatuloy niya ang nasimulan at tinahak ang bagong larangan ng laundry business bilang isang dealer.

Isang negosyo na nangangailangan ng panibagong kaalaman, puhunan, at pangarap. Ibinuhos niya ang kanyang oras at lakas upang tulungan ang kanyang mga kliyente na magkaroon ng sariling laundry shop at magandang pagkakakitaan.

Hindi nagtagal, nakilala ang Bigze Corporation bilang isa sa mga pinaka-maaasahan sa kanilang lugar sa Quezon City.

Sa bawat makina at oportunidad na naibibigay nila sa kanilang kliyente, lumalago rin ang tiwala at suporta para sa kanila.

Mula Bigas Hanggang Labada

Ang dedikasyon at malasakit ni Buena Rose at ng kanyang team ang naging pundasyon ng patuloy na paglago ng kanilang negosyo.

Negosyong Pinatatakbo ng Sipag, Diskarte at Malasakit

Para kay Buena Rose, ang negosyo ay hindi lamang tungkol sa kita, kundi sa pagtulong sa iba na maabot ang kanilang pangarap.

Naniniwala siya na kapag nagbigay ka ng maayos at tamang serbisyo, bumabalik sa iyo ang tiwala at suporta ng mga taong naserbisyuhan mo.

Para sa kanya, sipag, diskarte, at malasakit sa kapwa
ang tunay na susi sa pangmatagalang tagumpay.

Isang Patunay ng Katatagan at Tapang ng Pilipinong Negosyante

Ngayon, ang Bigze Corporation ay hindi lamang simbolo ng pag unlad, kundi patunay ng katatagan at diskarte ng mga Pilipinong negosyante sa anumang uri ng panahon.

Mula sa pagiging isang rice dealer na ngayon ay may isa ng matatag at kilalang laundry business. Ito ay isang maganda aral na hindi nasusukat ang tagumpay sa laki ng kita, Kundi sa tapang, lakas ng loob at sipag na mag patuloy sa anumang hamon sa buhay.

Mula Bigas Hanggang Labada

Si Buena Rose ang founder at may-ari ng BigZe Corp, isang kumpanyang itinatag hindi lamang para sa kita, kundi upang tulungan ang iba na matupad and pangarap na magkaroon ng sariling laundry business.

BigZE Corporation

Sources

– Facebook. “BIGZE RICE Dealer”
facebook.com/bigzericedealer/

– Facebook. “BigZe Corp.”
https://www.facebook.com/reel/1047466024256556

Shopping Basket