Tinatayang babalik ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2026 na may hindi bababa sa 5% growth na magmumula sa 4.4% GDP growth 2025. Sinusuportahan ito ng matibay na mga pundasyon tulad ng stable inflation, steady na mga remittance at ang BPO sektor. Ano ang ibig sabihin nito para sa mga gustong magnegosyo?
Binibigyang-diin ng year of the horse ang paggalaw, paglago, matapang na aksyon, at adaptability – mga katangiang nag align sa mga sektor kung saan pinakamahalaga ang agility at innovation (tulad ng mga digital services, transportasyon, at mga tech-enabled services). Bagama’t hindi binabago ng mga cultural beliefs ang economic data, pinapalakas ng simbolismong ito ang atensyon sa mga dynamic, adaptable na business models. Magandang taon ba para sa negosyo ang 2026?

Ipinapakita ng isang quick survey ng business landscape na ang mga sumusunod na negosyo ay magagandang prospect:
Bagama’t ang mga negosyong ito ay promising sectors nitong mga nakaraang taon, ang mga pag-unlad sa teknolohiya ay nagbigay ng mas mainam na kapaligiran para sa paglago.

Ang mga negosyo sa construction (na may kaugnayan sa infrastructure) at real estate ay magkakaroon ng maingat ngunit matatag na paglago. Ang sektor ng retail at services na may mataas na tiwala ng mga mamimili ay makakaranas din ng matatag na paglago. Kasama dito ang negosyo ng laundry at mga kaugnay na serbisyo, hangga’t naghahatid sila ng pare-parehong serbisyo at mas mataas and consumer confidence.
Tulad ng sa anumang negosyo, ang mga basic para sa sound practices ay maaaring magpalakas ng paglago at tagumpay. Ang negosyo ay dapat na pinamamahalaan nang maayos at mahusay, pinapanatili ang lean operations na steady para sa paglago. Ang mga negosyong nakatuon sa mga market sector na may malakas na demand ay maaaring makaangat sa clutter. Mahalaga rin ang pagtanggap ng digital transformation para sa business adaptability. Higit sa lahat, ang collaboration sa iba’t ibang sektor at partnership ay makakatulong sa paglago.
Ang internet at social commerce ay patuloy na lumalago at maaaring makinabang ang mga negosyanteng nakikibahagi sa digital economy.
Ang technologically savvy na consumer market ay patuloy na lumalaki kasama ang mga digital service provider at mga startup na may mas malawak na base.
Ang mga BPO ay patuloy pa ring nagperform at nag generate ng mga trabaho.
Ang online food delivery at online retail ay nangangailangan ng mas malawak na suporta upang matugunan ang paghahatid ng negosyo. Ang isang efficient logistics na solusyon ay maaaring magpasigla sa mas malawak na merkado habang lumalawak ang e-commerce.
Sila ay nagpapasigla sa economy at nakikitang nagtutulak sa pag-unlad. Kabilang dito ang paglago sa transportation at construction
Tulad ng hydro, wind, biomass at solar ay natukoy bilang isang growth sector. Importante and sustainability dito.
Ito ay kinabibilangan ng electronics, food processing, at mga may export oriented production ay maaaring sumama sa global demand.
Ito ay makikinabang mula sa paglago ng kalakalan sa buong bansa.
Ang muling pagtatayo ng ekonomiya ay nahaharap sa mga hamon dahil sa mga kamakailang pag-unlad na sumalot sa sektor ng negosyo. Pagsamahin ito sa mga geopolitical tension na nakaapekto sa pamumuhunan at pag-export, kailangan nating maging mapagmatyag sa sektor ng negosyo.
Ang services sector ay gaganap pa rin ng mahalagang papel sa negosyo. Habang patuloy na lumalago ang ekonomiya, parami nang paraming Pilipino ang mangangailangan ng mga serbisyo. Ang mga negosyong tulad ng laundry, food, water, logistics, at healthcare ay magiging constant.
Habang parami nang paraming Pilipino ang naghahangad na maging financially independent, mas kakailanganin ang pagsusumikap at gabay sa pagpapatupad. Upang makumpleto ang siklo, kakailanganin din ng mga negosyante ang mga mapagkukunan ng funds.
Ang mahalaga ay dapat silang gabayan ng mga responsableng gawi sa negosyo tulad ng pag-alam kung paano patakbuhin ang negosyong kanilang pipiliing pamuhunan, pagkakaroon ng pangunahing kaalaman sa pananalapi tulad ng cash flow, balance sheet, capacity to pay the loans and credit, kaalaman ng merkado na kanilang pinaglilingkuran, at pagpapanatili ng matatag na negosyo para sa paglago.
Ang mga konsiderasyong ito ay makakatulong upang matiyak ang isang malusog na negosyo para sa 2026.