Paskong Pinoy

Ito na ang Oras Para Kumita

Ang mga Patok na Negosyo na Siguradong Kikita sa Pasko

Kumusta na, mga Kasama sa Tagumpay? Amoy Pasko na! Alam mo ba, pagdating ng huling quarter ng taon—lalo na pag ber-months na—tayo talagang mga Pinoy, bigay-todo sa paghahanda at pagba-budget para sa regalo, handa, at siyempre, pambili ng ating mga sariling pangarap. Ito na ang pagkakataon mo para magkaroon ng extra funds para sa simpleng selebrasyon kasama ng mga mahal sa buhay!

Hindi mo kailangan ng malaking puhunan para kumita. Sa dami ng mga naghahanap ng kakaiba at praktikal na regalo, at sa pagiging malikhain ng Pilipino, siguradong may negosyo kang swak sa iyo. Kung ang mga taga-Tagumpay, mula sa mga sari-sari store owner hanggang sa mga may-ari ng talyer at laundry shop, ay umasenso, ikaw pa kaya?

Patok na Negosyo Kapag Pasko

Heto na ang sampung (10) patok na negosyo na siguradong magpapasaya sa Pasko mo—hindi lang dahil sa handa, kundi dahil sa kita!

Patok na Negosyo Kapag Pasko

Ang Negosyong Amoy Pasko: Gawang-kamay na sabon at dishwashing liquid

Sino ba naman ang ayaw ng mabango at malinis na bahay, lalo na’t may mga bisita? Ang homemade na sabon, kandila, at dishwashing liquid ay in demand na in demand tuwing Pasko. Hindi lang ito magandang gift, kundi praktikal pa!

Dito pumapasok ang mga katulad ng mysavon (Facebook) at sootheandsenses.com—mga produkto na panlinis, pang-relax, pampabango, at pampaganda ng mood. Tingnan mo lang kung gaano kaganda ang packaging nila at kung gaano kasimple ang negosyo. Pwede kang gumawa ng sarili mong line ng scents na “Amoy Noche Buena” o “Simoy ng Pasko.” Simulan mo sa maliit, sa bahay lang, at i-offer sa mga kaibigan at kapitbahay!

Bottled Goods: Tuyo at Pastil na Pampa-Level Up ng Handaan

Gusto mo ng negosyong pang-matagalan, kahit hindi na Pasko? Subukan ang paggawa ng gourmet bottled goods! Ang Bottled Tuyo na may special sauce o chili oil, at ang Pastil (iyong ulam na paborito sa Mindanao) na may iba’t ibang flavor—ito ang perfect pasalubong at handa para sa mga taong busy at walang time magluto.

Trivia: Ang pastil ay isang sikat na ulam sa Mindanao na kadalasang gawa sa steamed rice na may hinimay na manok, binalutan ng saging o dahon ng saging. Ang bottled version nito ay super convenient na!

Subukan ang Pastil King (Facebook, sa Iligan City) at Gourmet Tuyo ni Duday (Facebook, sa Rodriguez, Rizal)

Patok na Negosyo Kapag Pasko
Patok na Negosyo Kapag Pasko

All-Time Pinoy Fave: Kakanin at Christmas Pastries

Sa Pasko, hindi mawawala ang Puto Bumbong, Bibingka, at ang iba pang mga kakanin. Pero ngayong taon, mag-innovate ka! Gumawa ka ng Christmas-themed pastries—mga cookies na may Paskong-Pasko ang design, o kaya naman, special edition Bibingka na may keso de bola.

Simple lang ang puhunan: harina, itlog, at ingredients na pang-Pasko. At ang kikitain mo? Pang-Noche Buena na!

Subukan ang Lovely’s Putocake and Pastries shop (Facebook, sa Marilao, Bulacan)

Personalized at Eco Bags: Ang Regalong may Puso at May Malasakit

Sa dami ng nagha-hunting ng gifts, ang Eco Bags at personalized totes ang sure-fire hit! Bakit? Dahil praktikal, trendy, at sumusuporta sa zero-waste movement. Pwede kang mag-offer ng custom print o embroidery na may pangalan o initials ng bibigyan.

Ang eco bag ay hindi lang pang-shopping, pwedeng-pwede rin itong gift bag para hindi na gumamit ng wrapping paper. Tipid at earth-friendly!
.
Subukan ang Lav Eco-friendly bags (Facebook, sa Dipolog, Zamboanga)

Patok na Negosyo Kapag Pasko
Patok na Negosyo Kapag Pasko

Ang Regalong Pang-Ligtas: Go-Bag

Sa panahon ngayon, hindi lang handa at regalo ang importante, kundi ang kaligtasan. Pwedeng gawing negosyo ang pag-assemble ng mga Go-Bag o emergency kit, kagaya ng madalas nating makita kay Mang Tani (Facebook, Mang Tani’s go bag).

Dito, ang diin mo ay quality at practicality. Lagyan mo ng flashlight, whistle, basic first-aid kit, biskwit, at water bottle. I-market mo ito bilang “Ang Regalo ng Pagmamahal at Pag-iingat.” Ito ay nagpapakita ng malasakit, at ang ganyang negosyo ay sikat sa mga pamilyang Pilipino.

Pili and Pinoy Pasalubong: World-Class Gifts Mula sa Atin!

Kung gusto mong magbenta ng premium at world-class na pasalubong, tingnan mo ang mga produkto ng piliandpino.ph. Kilala sila sa mga delicacies na gawa sa lokal na prutas at iba pang Filipino flavors.

Ang pagsuporta sa mga local product ay pagsuporta sa pamilyang Pilipino.

Patok na Negosyo Kapag Pasko
Patok na Negosyo Kapag Pasko

Para sa Last-Minute Shopper: Gift-Wrapping at Ready-Made Gift Bags

Sino ba naman ang hindi na-stress sa pagbabalot ng regalo? Ang negosyong ito ang sagot sa mga nagmamadali at ‘di marunong mag-balot! Magbenta ng mga magagandang klase ng gift-wrapping paper, ribbons, at stickers.

Pero ang mas patok? Ang Ready-Made Gift Bags na gawa sa Christmas-themed wrapping paper! Parang ‘instant’ regalo na, ilalagay na lang ang laman. Mag-offer ka ng iba’t ibang size at design. Magandang diskarte ito lalo na sa mga mall o busy street corners bago mag-Noche Buena! Tipid sa oras, pero elegante ang dating ng regalo!

Christmas Decorating Service

Pag Pasko, pwede kang mag-negosyo ng decorating, rental o kaya naman ay selling ng mga simple at affordable na costume. Maliit na niche, pero malaki ang kita! Kailangan mo lang ng sewing machine at creative mind!

Madalas sa Christmas decorating service ay hindi kailangang bilhin ang kahit na anong material – pagkamalikhain lang ang baon. Isang kilala sa Maynila ay si Rhussel DS na madalas kunin ng mga pamilyang praktikal – paulit ulit lang ang gamit na dekorasyon pero naiiba ni Rhussel ang style!

Mga ilaw, parol, at centerpiece—ito ang nagpapaganda sa Paskong Pinoy! Pwede kang gumawa ng DIY decorations na eco-friendly at unique.

Halimbawa: Parol na gawa sa recycled na papel o kawayan, o kaya naman, table centerpiece na gawa sa local materials. Simple lang, pero may touch ng Pinoy creativity!

Patok na Negosyo Kapag Pasko
Patok na Negosyo Kapag Pasko

Pag Angkat at Pagbebenta ng mga Ready-to-Wear items na Pang Regalo

Hindi ba kasama sa selebrasyon ng Pinoy ang “bagong damit” kapag Pasko? Puwede kang mag angkat ng mga damit pambata, panlalaki, pambabae, pang-sanggol sa mga lugar tulad ng Taytay, Divisoria at Laguna at pagkatapos ay ibenta sa mga kapitbahay at kamag-anak na walang panahon para lumuwas sa lugar ng mga supplier.

Noche Buena Food: Ready-to-Cook Meals at Small Scale Catering

The ultimate Christmas business pa rin ito! Pero i-level-up natin sa Ready-to-Cook Meals. Maraming pamilya ang gustong mag-celebrate, pero wala nang time magluto. Dito papasok ang mga pre-marinated meat, frozen kakanin, o kaya naman, Ready-to-Cook Filipino Food na may local twist!

Halimbawa, ang mga katulad ng meriendalites sa IG at Flavours by Abi sa Facebook na nagbebenta ng mga pagkain na may coconut products—puro Pinoy na Pinoy! Ang niyog, o coconut, ay endemic sa atin, at healthy at versatile pa. Mag-focus ka sa mga dishes na mabilis ihanda pero special ang dating. Pwede ka ring mag-offer ng small-scale catering o food delivery ng Noche Buena package.

Patok na Negosyo Kapag Pasko

Kasama Ka sa Liwanag ng Pasko at Tagumpay ng Lahat!

Siguradong full-packed ang orders mo bago mag-Bisperas ng Pasko! Ang Tagumpay mo, Tagumpay Nating Lahat!

Tandaan, ang simula ng bawat negosyo ay isang pangarap. Ang mga halimbawang ito ay patunay na sa simpleng idea at sipag, malaki ang kikitain mo. Sa pag-asenso mo, nagbubukas din ito ng oportunidad para sa iba—nakakapagbigay ka ng trabaho, at nakakatulong ka sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa.

Kaya huwag kang matakot magsimula! Andito lang kami, ang iyong mga Kasama sa Tagumpay, na patuloy na magbabahagi ng mga tips at inspirasyon para sa iyong journey sa business. Ang tagumpay mo, hindi lang para sa iyo at sa pamilya mo, kundi tagumpay nating lahat na Pilipino! Simulan mo na, habang maaga pa!

Shopping Basket