Sa bawat kanto ng Pilipinas, mapa-eskuwelahan man, lugar ng trabaho o sa inyong pamayanan ay makakakita ka ng sari saring “street foods” na bahagi na ng pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino. Ang street food ay nagsilbing “comfort food” para sa marami sa atin. Simula pagkabata at hanggang ngayon, patuloy pa ring tinatangkilik ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa Manila matatagpuan ang isang lugar na kilala bilang Ugbo, isang sikat na kainan sa Velasquez, Tondo. Dito makikita ang samu’t saring street food stalls na bukas mula hapon hanggang gabi. Ito ay dinarayo ng maraming tao, mapa-lokal man o turista dahil sa iba’t ibang klase ng street foods na maaaring matikman dito. Ilan sa mga patok na pagkain ay inihaw, sisig, calamares, shawarma, cheese corn, at marami pang iba. Halos madami na din ang mga street food stalls o market sa Pilipinas na naging simbolo na ng ating kultura at ekonomiya.

Sa aming pagbisita sa Ugbo, nakausap namin si Ana, isa sa mga tindera roon. Ang kanyang paninda ay crispy chicharong bulaklak, buchiron, at crablets. Nagsimula siya noong 2021 at pinili ang mga ito dahil patok sa mga Pilipino. Siya lamang ang nagtitinda nito sa Ugbo noong panahong iyon at nang sumikat ang Ugbo noong 2022, unti-unti ring lumago ang kanyang negosyo, ayon kay Ana tuwing weekends ay umaabot sa ₱10,000 ang kanyang benta sa isang araw.
Bukod dito, may mga nagtitinda rin ng fishcake at rice cake na hango sa pagkaing Koreano. Maraming dumadayo dito dahil naging comfort food na rin ng mga Pilipino ang Korean food na madalas naipapakita sa mga K-drama. Ayon kay Aling Fanita, isa sa mga nagtitinda ng fishcake, umaabot ng tatlong kilo ang kanyang benta sa isang araw dahil sa dami ng bumibili dito.
Sumikat din ang cheese corn na may Thai influence. Sa karaniwang araw, nakakabenta sila ng hanggang 50 cups, at kapag weekends ay tumataas ito hanggang 120 cups kada araw.
Makikita na sa paglipas ng panahon, ang pagtitinda ng comfort foods ay naging magandang pagkakakitaan. Hindi na lamang limitado sa tradisyunal na pagkaing nakasanayan, kundi bukas na rin ang mga Pilipino sa mga pagkaing banyaga na iniaangkop sa panlasang Pinoy sa pamamagitan ng sariling paraan ng pagluluto.
Ang negosyong ito ay naging matagumpay sa Pilipinas, kaya naman maraming Pilipino ang nahihikayat na magnegosyo nito dahil sa pagiging abot-kaya at madaling ma-access ng mga mamimili. Bukod dito, nag sisilbi rin itong kabuhayan na tumutulong sa mga pamilyang Pilipino upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Ang negosyong ito ay naging matagumpay sa Pilipinas, kaya naman maraming Pilipino ang nahihikayat na magnegosyo nito dahil sa pagiging abot-kaya at madaling ma-access ng mga mamimili. Bukod dito, nag sisilbi rin itong kabuhayan na tumutulong sa mga pamilyang Pilipino upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Patunay ito na hindi kinakailangan ng malaking puhunan upang makapagsimula ng negosyo. Kahit simpleng pagtitinda ng comfort foods ay kayang gawin, kahit sa harap lamang ng sarili nating tahanan. Ang mahalaga ay ang sipag, tiyaga, at determinasyon upang makamit ang tagumpay sa buhay.
Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!