Cheese Pan de Sal Rolling Bakery on the Go, Anytime, Anywhere

Cheese Pandesal Rolling Bakery

On the GO, Anytime, Anywhere

Cheese Pan de Sal Rolling Bakery on the Go, Anytime, Anywhere

Nakastand-by lang sa kanto, marami nang dumadaan para bumili ng kanyang freshly baked Cheese Pan de Sal. At ang nakakatuwa dito, naka-sampa ang bakery niya sa isang tricycle. Freshly-baked pan de sal, any time, any where.

Ayon kay Mang Ariel, pwedeng bumenta ng hanggang P3K sa isang araw ang munting negosyong ito (o kaya sa umaga pa lang, ubos na). At kung masipag ka, maari kang maka-benta ng P70K hanggang P90K bawat buwan.

Hindi kay Mang Ariel ang bakery on wheels na ito. Nakita niya ito at nagtanong siya kung paano magkaroon nito. Nag-apply siya at nagbigay siya ng mga requirements dahil kailangan pala siya idaan sa background investigation (kailangan may lisensya ka para sa pagmaneho ng motorsiklo at magtatanong sila sa mga kapit-bahay)

Matapos ng isang linggo, aprubado na siya at pinahiram na siya ng isang unit. Agad na siyang nagumpisa mag-negosyo ng cheese pan de sal.

Bago pa siya mag negosyo nito, isa siyang delivery rider. May kahirapan daw ang trabahong ito dahil nakakapagod, kalaban mo ang panahon, at malapit ka sa aksidente.

Buti na lang at nakita niya ang negosyong ito at nabigyan siya ng pagkakataon magkaroon ng dagdag- kita.

Kung bakit siya kumuha nito? Kailangan dahil may pinapaaral pa siyang mga anak na nasa high school at may pangarap pa siyang negosyo.

Dati akong nasa construction. Gusto ko sanang maging contractor. Kung papalain at magkaroon ng kapital, isa yan sa gusto kong negosyong pasukin.

Mang Ariel

Negosyante ng Pandesal on Wheels

Cheese Pan de Sal Rolling Bakery on the Go, Anytime, Anywhere

Sa isang taong matayog ang pangarap at gustong magtagumpay, hindi sila nauubusan ng mga paraan at pag-asa. Sipag, tiyaga, at panalangin sa Diyos ang magbibigay sa kanya ng pag-asa magtagumpay sa buhay.

Good luck sa inyo Mang Ariel! Go lang kayo ng go, anytime and anywhere!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay

Negosyong Mabango ang Kita

Pera sa Paglalaba:

Negosyong Mabango ang Kita

Negosyong Mabango ang Kita

Minsan, kailangan itaya mo ang lahat para matupad ang pangarap mo

Mark Vincent Fabresis

ML Laundry Equipment and Supply

Negosyong Mabango ang Kita

Isang kwento ng tagumpay mula sa Iloilo.

Booming na ngayon ang laundry business ni Mark Vincent Fabresis, pero alam mo bang hindi ito ang unang negosyong pinasok nya?

Noong umpisa, si Mark ay may-ari ng simpleng internet shop. Kaya lang, nang sumikat ang smartphones, unti-unti silang nawalan ng mga customer.

Dahil dito, napilitan syang humanap ng ibang pagkakakitaan. Sakto naman, unti-unti nang sumisikat ang self-service laundry sa Maynila.

Wala pa nito sa Iloilo noon. Kahit punong-puno ng kaba, napagdesisyunan ni Mark na siya na ang mauuna. At nung 2016, nagbukas ang unang self-service laundry shop sa buong probinsya.

Pero hindi madali ang lahat. Dahil wala naman syang kapital, isinangla niya ang bahay niya para lang makabili ng dalawang washing machine.

Isang malaking sugal ito. Pero sabi nga niya, minsan, kailangan mong itaya ang lahat para matupad ang pangarap mo.

Sa article na ito, malalaman mo kung paano niya binuo ang ML Laundry mula sa wala, hanggang umabot sa 10 branches at 700+ installations.

At kung iniisip mo rin kung dapat kang magsimula ng isang laundry business, maaari mong mahanap ang inspirasyon dito.

Paglalaba at Pangarap

Tulad ng pagbabago, hindi agad tinanggap ng mga tao ang self-service laundry noong una. Marami ang nagduda — yung iba may halo pang takot o kaba — dahil hindi ito ang nakasanayan nilang paraan ng paglalaba.

Noong una, kinailangan ni Mark magpaliwanag at kumbinsihin ang mga tao na subukan ito araw-araw. Para syang nagbebenta ng isang kakaibang ideya, hindi lang serbisyo.

Kasabay ng oras na nilaan niya sa pagkumbinsi sa mga tao na subukan ang kanyang serbisyo, dala nya rin ang stress ng isang mabigat na utang. Para maumpisahan niya ang kanyang laundry business, isinangla nya ang kanyang bahay.

Puno man si Mark ng kaba, hindi siya umatras. Ginawa niyang motivation ang takot para mas lalong pagbutihin ang negosyo.

Hanggang sa unti-unting dumami ang mga customer. Nalaman nilang maginhawa pala, at maganda ang resulta ng labada.

Doon na nagsimulang umikot ang kwento ng tagumpay niya. Mula sa dalawang laundry machines, naging sampu ang branches niya at naging LG dealer pa siya sa buong Region 6.

Kapag may tiyaga, may tagumpay. At para kay Mark, malaking tiwala rin sa Diyos at sa sarili.

Negosyong Mabango ang Kita

Kita sa Kalidad

Para kay Mark, isa lang ang batayan ng isang matagumpay na laundry business: dapat laging maganda ang resulta ng laba. Hindi sapat ang promo o bagsak-presyong serbisyo kung hindi malinis, mabango, at maayos ang damit ng customer.

“Babalik at babalik ang mga tao kung nasiyahan sila sa resulta. At kapag bumalik sila, dun talaga nagsisimula ang tunay na kita.”

Ito rin ang unang tinuturo ni Mark sa mga gustong magsimula ng sarili nilang laundry shop. Para sa kanya, ang sikreto sa kita, nagsisimula sa kalidad.

Negosyong May Ambag

Hindi lang si Mark ang umasenso sa laundry business. Sa tulong ng kanyang karanasan, kaalaman at gabay, marami na ring nakapagsimula ng sarili nilang laundry business.

May mga kliente syang nagsimula sa isang branch. Pero pagkalipas ng panahon, meron na silang lima o pitong branches.

Katangi-tangi kay Mark na hindi siya nagdamot sa kaalaman. Hindi lang washing machine at installation ang serbisyo niya. Nagpapa-seminar din sya at tumatayong mentor para sa mga naglakas loob na magtayo ng sariling negosyo para siguradong handa sila.

Madami syang ibinabahagi. Hindi lang ang mga natutunan niya, kundi pati ang best practices na nakikita niya sa ibang matagumpay na kliente. Para sa kanya, kapag alam mong effective ang ginagawa mo, dapat mo itong i-share.

Pero hindi doon nagtatapos ang ambag ni Mark. Habang dumarami ang mga kliente nya, dumadami rin ang technicians na kinukuha niya para masigurong may support ang bawat shop.

Naglalaan sya ng oras para turuan at i-train ang mga ito, kaya may oportunidad rin para sa mga skilled workers. Sa bawat laundry machine na na-iinstall, may kasama dito na trabaho at oportunidad.

Hindi mapagkakaila kung bakit karapat-dapat ma spotlight si Mark at ang ML Laundry. Isa syang napakagandang halimbawa ng negosyo na gusto nating ipakita sa Tagumpay.

Yung hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa iba. Negosyong may malasakit, negosyong may ambag sa kabuhayan ng iba at sa komunidad.

Puso, Sipag, at Pananampalataya: Ang Totoong Dahilan ng Tagumpay

Negosyong Mabango ang Kita

Hindi lang diskarte ang puhunan ni Mark. Sa bawat hakbang ng negosyo niya, dala niya ang tiwala, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa.

Kahit siya na ang nagtuturo, hindi siya tumitigil sa pag-aaral. Ni minsan, hindi niya inangkin na alam na niya ang lahat. Nakikinig siya sa kwento ng kanyang mga kliente, at natututo rin mula sa kanila.

Para kay Mark, ang tunay na lider ay hindi lang nag uutos. Siya rin ang unang gumagalaw, unang tumutulong, at unang tumatanggap ng pagkukulang.

Dala niya ang lahat ng aral mula sa mga pinasok niyang negosyo bago ang laundry. At kasama dito ang lahat ng pagkakamali at tagumpay na pinagdaanan niya.

Ang tagumpay ni Mark ay hindi lang nagmula sa kanyang negosyo, kundi dahil sa tibay ng kanyang pananampalataya at malasakit sa ibang tao.

Ito ang mga halagang hindi agad-agad nakikita. Pero ito rin ang naging matibay na pundasyon ng lahat ng meron siya ngayon.

Start Small, Dream Big

Hindi mo kailangang maghintay na makabuo ng isang milyong piso para makapagsimula. Sabi nga ni Mark, maliit man ang puhunan mo, puwede ka nang magsimula basta’t malaki ang iyong paniniwala.

Ang importante, may lakas ng loob kang simulan kahit maliit. At kapag tinutukan mo ito ng sipag at tiyaga, lalaki rin ang kita.

(Kung gusto mong marinig pa ang buong kwento ni Mark, panoorin mo ang video sa ibaba. Baka ito na ang hinihintay mo para simulan na rin ang sarili mong tagumpay.)

Negosyong Mabango ang Kita

Si Mark Vincent Fabresis ay ang may-ari ng ML Laundry Equipment and Supply, isang nangungunang supplier ng matibay at mataas na kalidad na laundry equipment.

ML Laundry Equipment and Supply

Sources

– Facebook. “ML Laundry Equipment and Supply”
facebook.com/mltechnicals/

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay

Ano ang Pangarap ng Pilipino?

Ano ang

Pangarap ng Pilipino?

By Eric Montelibano

Palaging nangangarap ng magandang buhay ang mga Pilipino. Kung mayroong isang karaniwang denominator, ito ay tungo sa pagkamit ng isang ligtas at komportableng buhay na nagbibigay sa isang pamilya ng isang disenteng tirahan, pagkain sa mesa, kakayahang pangalagaan ang mga pangangailangan sa kalusugan, at hindi nababahala tungkol sa hinaharap. Ito ay tulad ng isang mapag-isang adhikain na maaari pang magkaisa ng milyun-milyong Pilipino.

Ang Boston Consulting Group (BCG) ay nagsagawa ng isang komprehensibong survey sa 1,484 na indibidwal sa buong bansa sa pakikipagtulungan sa isang quantitative research
firm. Ang mga resulta ay kawili-wili!

Lumabas sa survey ang pinagkasunduan na may dalawang pangarap: pagkamit ng pinansiyal na seguridad upang makahanda sa mga takot sa kalusugan at magsimula ng kanilang sariling mga negosyo.

Ano ang Pangarap ng Pilipino?

Pinansyal na Seguridad para Mapaghandaan ang Mga Panakot sa Kalusugan

Sa isang survey noong 2022, natuklasan nila na two-thirds ng mga Pilipinong mamimili ang inaasahan na unahin ang kanilang kalusugan at kapakanan kapag bibili.

Gayunpaman, 46% lamang ng mga Pilipino ang nakadarama na handa sa pananalapi para sa isang krisis. Sa isang mas optimistic note, nakikita ng mga Pilipino ang kanilang sarili bilang mas malusog at aktibong namumuhunan sa kanilang kalusugan.

Mahigit sa kalahati (58%) ang nag-ulat na ang kanilang kalusugan ay medyo o makabuluhang bumuti kumpara sa nakaraang taon, at 79% ay umaasa ng karagdagang mga pagpapabuti sa darating na taon.

Higit pa sa simpleng optimismo, ang mga Pinoy ay talagang nagtataas ng kanilang gastos sa mga produkto ng pangangalagang pangkalusugan.

Sa pitong kategorya ng health care, nagkaroon ng kabuuang pagtaas. Kapansin-pansin, ang numero unong kategorya ng produkto kung saan tumaas ang paggasta ay sa mga supplements.

Mahigit 60% ng mga Pilipino ang nag-ulat din na mayroong ilang uri ng health plan, maging isang HMO, PhilHealth coverage, o katulad na bagay. Gayunpaman, sa kabila ng idinagdag na coverage, 65% lamang ng mga may mga health plan ang nakadama na handa para sa isang financial emergency.

Ang bilang na iyon ay 21% para sa mga walang health plan. Marami rin ang bumaling sa tradisyonal na mga sistema ng pag-iimpok at pagpapautang para tumulong sa pagbuo ng financial safety net na iyon.

Binanggit ng isang kinapanayam ang pakikilahok sa sistema ng paluwagan sa kanyang pinagtatrabahuan. Ang sistema ng paluwagan ay nagsasangkot ng isang malapit na grupo, kadalasang mga katrabaho o kaibigan, na sumasang-ayon na maglagay ng isang nakapirming halaga ng pera sa bawat panahon ng suweldo, na ang pot ay umiikot sa mga miyembro.

Ano ang Pangarap ng Pilipino?

Pagsisimula ng Negosyo

Bagama’t binago ng pandemyang Covid-19 ang pananaw sa kalusugan ng mga Pilipino,
binago din nito ang dynamics ng pagnenegosyo.

Ayon sa isang survey noong 2022 sa 500 Pilipino na pinamamahalaan ng Manulife, 41% ang nakapagtayo ng negosyo noong panahon ng pandemya at 50% ang nagsabing nagplano silang magpatuloy sa negosyong ito kahit na pagkatapos.

Sa panig ng patronage, 65% ang nagsabing nagsimula silang bumili mula sa maliliit at micro na negosyo sa panahon ng pandemya, at 51% ang nagplano na magpatuloy sa post-pandemic na ito.

Ang datos mula sa Philippine Department of Trade and Industry (DTI) ay sumasalamin sa kalakaran na ito. Sa pagitan ng 2016 at 2019, ang mga bagong pagpaparehistro ng negosyo ay lumago sa isang compound annual growth rate (CAGR) na 8%.

Sa pagitan ng 2019 at 2023, dumoble ito sa 16%, na may higit sa 984,000 bagong negosyo ang nairehistro sa panahon ng pandemya. Ang karamihan sa mga ito ay napakasimple, tradisyonal na mga negosyo—hindi bababa sa 444,000 ay mga retail na negosyo, na ang karamihan ay mga sari-sari store, at mahigit 115,000 ay mga food and beverage (F&B) store, tulad ng karinderyas. Hindi sinusubukan ng mga Pilipino na lumikha ng susunod na Facebook—sinusubukan lang nilang magbenta ng ilang dagdag na item upang makabuo ng karagdagang financial stability.

Kapansin-pansin, may ilang katotohanan sa likod ng panaginip. Sa survey, nalaman nila na ang mga may-ari ng negosyo ay hindi gaanong mas mayaman kaysa sa kanilang mga kapantay, ngunit sila ay mas maasahin sa mabuti at nadama ang higit na kapangyarihan sa pamamagitan ng kanilang edukasyon at kalusugan, kumpara sa mga Pilipinong may trabaho o freelancing.

Optimistic Upang Makamit ang mga Pangarap

Sa pangkalahatan, 53% ng mga na-survey ang nagsasabing mas malapit na nilang maabot ang kanilang numero unong pangarap ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, habang 68% naman ang nagsabing mas magiging malapit sila sa susunod na taon kumpara sa taong ito.

Ang mga rural consumers ay mas optimistiko kaysa sa mga taga-lunsod tungkol sa pagkamit ng kanilang numero unong pangarap, sa 58% at 70%, kumpara sa 49% at 67%, ayon sa pagkakabanggit.

Paano nila makakamit ang kanilang mga pangarap?

Nang tanungin kung gaano kalaki ang posibilidad na matulungan o hadlangan ng bawat salik na makamit nila ang kanilang numero unong mga pangarap, ang net sentiment ng mga Pinoy sa pagiging matulungin ng kanilang edukasyon (65%) at kalusugan (53%) background ay mas mataas kaysa sa kanilang tiwala sa kanilang trabaho (49%), employer (43%), o malalaking negosyo (38%).

Ang mga pampublikong institusyon ang pinakamahirap, na may tiwala sa imprastraktura sa 38%, gobyerno ng Pilipinas sa 25%, at ang ekonomiya sa 21%. Marahil hindi nakakagulat, nadama ng mga Pinoy na ang kanilang kasalukuyang sitwasyon sa pananalapi ay mas malamang na makasakit sa kanila, na may net sentiment score na 27%.

Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na nais ng mga Pilipino na maging matatag sa pananalapi, or financially stable. Hindi mayaman, financially stable lang.

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay
Kung Kaya Nila Kaya Ko Din - Header

Kung Kaya Nila, Kaya Mo Din: Ang Tagumpay Magazine

Ang Tagumpay Magazine

Kung Kaya Nila, Kaya Mo Din

By Donald Francis Chiong, RFC President and CEO

Sa bawat byahe namin sa mga probinsya, may mga eksena na palaging bumabalik sa isipan ko. Si manang na may tindahan sa palengke. Isa siyang wholesaler at inaayos niya ang mga maraming niyang paninda kung saan namimili sa kanya ang mga sari-sari stores mula sa iba’t-bang mga barangay.

Si manong na may-ari ng motorcycle repair shop, inaayos ang mga imbentaryo ng gulong at accessories. Naka-pila ang mga nagpapa-repair sa kaniya ng kanilang motorsiklo.

O kaya yung isang laundry shop owner na sunod-sunod niyang kini-kilo ang mga labadang ibinagsak sa kanya simula pa kaninang umaga. Isang may-ari ng karenderiya tuloy-tuloy ang pagsilbi ng kanyang mga lutuin dahil punong-puno siya ng mga kumakain.

Napapaisip ako. Para saan ba talaga ang lahat ng ginagawa nila? Para saan ang pagod, diskarte, at ang pagpupursige araw-araw? Habang nakikita ko ang mga ito, lumilinaw ang sagot…

Sa mga taong hindi sumusuko kahit kapos, nakikita sa kanila ang pagpupursige. Sa mga may pangarap sa kanilang pamilya, punong-puno sila ng determinasyon at sigla. Sa mga taong gustong mabuhay ng may dignidad at pag-asa, kahit simpleng hanap-buhay, sapat na bilang puhunan.

Sa kanila ko naintindihan kung ano ang TUNAY na TAGUMPAY. At kung ipagsama-sama natin ang bawa’t isang TAGUMPAY NG MGA ORDINARYONG PILIPINO, ito ang mag-bubuo ng kaunlaran ng Pilipinas na maari nating ipagmamalaki sa buong mundo.

Aming Paniniwala

Bago pa man nabuo ang Tagumpay Negosyo at Buhay Magazine, may paniniwalang gumagabay sa Radiowealth Finance Company (RFC) na itinaguyod ng aming founder na si Domingo M. Guevara…

“The common folk should be given the chance to enjoy the good things and enhance their quality of life.

Ang bawat simpleng mamamayan, dapat mabigyan ng pagkakataong umasenso at guminhawa ang kanyang buhay. Ito ang paniniwalang dala-dala namin sa lahat ng aming ginagawa. Pinagtutuunan namin ng pansin ang iba’t ibang paraan kung paano kami makakatulong sa mga may mga pangarap na umunlad at magtagumpay.

Kung Kaya Nila, Kaya Mo Din: Ang Tagumpay Magazine

Ang Tagumpay Magazine: Inspirasyon at Aral para sa Pilipinong Nangangarap

Sinimulan namin ito para sa mga Pilipinong nangangarap pagandahin pa ang kanilang buhay. Naisipan naming gumawa ng isang magazine dahil nais naming ihayag ang mga iba-t ibang KUWENTONG-TAGUMPAY ng mga ordinaryong Pilipino upang magsilbing inspirasyon sa mga iba.

Nais naming ipamahagi sa mga nangangarap magtayo ng negsoyo na hindi imposible ang pag-asenso. Para sa mga simpleng tao na gustong magumpisa ng maliit na negosyo pero hindi alam kung paano o saan magsisimula, ang mga kwento mula sa mga matagumpay na mga negosyante ang maaring magsilbing gabay sa kanila. Tulad nila, nagsimula rin silang kulang sa kaalaman. Tanging tibay ng loob, sipag, at determinasyon ang naging patunay ng kanilang tagumpay.

Maraming nais magkaroon ng negosyo na may sipag at determinasyon, pero kulang o walang makuhang gabay. Hindi sila madaling maka-access ng training, seminars, o mentorship. Kailangan lang nilang marinig na may ibang taong kagaya nila na nagtagumpay. Iyon ang layunin ng magazine

Isang espasyo na maaarig pagkunan ng mga kwento, tips, at inspirasyon na madaling basahin, madaling maunawaan, at maaaring matutunan ng sinumang may pangarap. Dahil naniniawala kami na ang pinaka epektibong paraan upang maturuan sila ay mula sa mga kuwentong ng mga subok ang matagumpay ng mga negosyante

Kwento ng Tagumpay Mula sa Totoong Buhay

Nais naming ipakita na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa laki ng iyong puhunan, kinita o laki ng iyong negosyo. Para sa amin, ang tunay na tagumpay ay kung paano mo pinipiling lumaban, lalo na kapag humihirap ang sitwasyon. Kung paano ka bumangon kahit ilang beses kang nadapa.

Sa bawat pusong Pilipino, mahahanap mo ang mga VALUES na nagbibigay daan sa tagumpay.
Tiwala sa Diyos, sipag at tiyaga, tapang, at malasakit — ang mga pinamana sa ating mga magulang, lolo, at lola. At hanggang ngayon, ito pa din ang pinanghahawakan ng maraming maliliit na business owners at negosyanteng Pinoy.

Dito sa Tagumpay Magazine, nais naming ibahagi ang mga kwento ng tagumpay. Ang kwento ng mga sari-sari store owner, mga rider, at magsasaka. Isama na din natin ang mga nagtitinda ng mga kakanin sa kanto o may-ari ng karinderia, mga tatay at nanay na nagsusumikap ng maliit na negosyo sa harap ng bahay. Dahil sa bawat kwento, merong magandang aral at inspirasyon. At sa bawat aral, may dagdag kaalaman. Sa bawat inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa.

At higit sa lahat, pinapakita nito na hindi imposible ang tagumpay para sa karaniwang Pilipino. Yun ang gusto naming ibahagi. Mga kwento na magtuturo, magbibigay ng lakas, at magpapatunay na kung kaya nila, kaya mo rin.

Sama-Sama Tayo Patungo sa Tunay na Tagumpay

Naniniwala kami na ang bawat Pilipino ay maaaring magtagumpay.

Minsan, konting gabay o inspirasyon lang ang kailangan para makapagsimula. Tinatag namin ang Tagumpay Magazine para samahan ka sa iyong paglalakbay. Isang partner na magbibigay ng mga kwento, kaalaman, at katatagan. Gusto naming tumulong sa pag-abot ng mga simpleng pangarap, upang mabigyan ng buhay ang mga ideya. Tungkol ito sa mga tulad mong lumalaban araw-araw para sa pamilya, para sa kinabukasan. Sa mga kagaya mong hindi sumusuko.

KUNG KAYA NILA, KAYA MO RIN.

At nandito kami para ipaalala sa’yo ‘yan. Samahan niyo kami. Magbasa. Matuto. Magtagumpay.

At sana, sa darating na panahon, maibahagi mo ang Kuwento ng iyong Tagumpay dito sa magazine na ito.

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay
Header-Image-Main-Article

Iba iba ang simula, pero pareho ang pangarap, Tagumpay sa Buhay

Iba-iba ang Simula,
Pare-pareho ang Pangarap,

Tagumpay sa Buhay

May kausap kaming tindera nung minsan. Nag-umpisa siya ng maliit na lugawan sa tapat ng bahay nila sa Cavite, gamit ang ₱500 puhunan at kalderong hiram sa kapitbahay.

“Hindi ko nga alam kung negosyo na ‘to,” sabi niya, “pero ang sarap sa pakiramdam tuwing may suking nagsasabing, ‘Ang sarap ng lugaw mo, Ate.’ Parang tagumpay na rin ‘yun, ‘di ba?”

At sa totoo lang, oo — tagumpay nga ‘yun.

Dahil ang tagumpay, hindi lang tungkol sa laki ng kita o dami ng empleyado. Minsan, ito’y tungkol sa simpleng pagkakaraos. Sa diskarte. Sa araw-araw na pagpupursige.

Diyan papasok ang Tagumpay, isang e-zine na ginawa para sa mga tindera, manininda, home-based baker, delivery rider, mekaniko, online seller, sari-sari store owner. Sa madaling salita, para sa lahat ng MSME (micro-, small-, and medium-sized enterprises) na kayod-kalabaw pero kapit lang sa pangarap.

Ang Tagumpay ay para sa mga taong gaya mo. Yung may malaking hangarin at seryoso sa pangarap, kahit simpleng negosyo lang ang hawak.

Iba iba ang simula, pero pareho ang pangarap, Tagumpay sa Buhay

Dito, pag-uusapan natin ang mga bagay na dapat alam ng bawat negosyante. Mula sa tamang paghawak ng kita, hanggang sa mga simpleng tip para dumami ang suki.

Wag kang mag-alala. Hindi mo kailangan na nakapagtapos ka ng business course para maintindihan ito.

Makakahanap ka din ng sari-saring kwento. Ang pinagmulan at karanasan ng mga ibang MSME na tulad mo. Mga nagsimula sa wala, pero unti-unting umaangat.

Kung nagsisimula ka pa lang, ayos lang. Wala kang kailangang patunayan. Ang mahalaga ang may pangarap ka. At, ang mas importante, may balak kang kumilos para matupad ito.

Ang Tagumpay ay nandito para samahan ka. Hindi para sabihing “Ito lang ang tamang paraan”, kundi para ipakita na may iba’t ibang daan patungo sa tagumpay.

Kaya kung naghahanap ka ng simpleng gabay na sakto sa araw-araw mong realidad, welcome ka dito. Simula pa lang ‘to.

Kaya Mo ‘To:
Tagumpay Para sa mga Negosyanteng Pilipino

Hindi lang lagi laki ng kita ang sukatan ng tagumpay.

Minsan, nararamdaman ito sa mga simpleng bagay, tulad ng suking bumabalik, yung “Salamat po” sabay ngiti, o yung araw na hindi ka nagkulang sa baon ng anak mo.

Hindi mo kailangang maging milyonaryo para masabing nagtagumpay ka. Minsan, sapat na ang tahimik na buhay. ‘Yung hindi ka na nangungutang sa kapitbahay, o ‘yung may pambayad ka sa kuryente kahit matumal ang benta.

Madalas, ‘yang simpleng ginhawa ay galing sa maliit na negosyo. Minsan pa nga, ‘di mo namamalayang negosyo na pala ‘yon.

Kadalasan, dala ng pangangailangan. Pero minsan, nag-umpisa sa hilig. O yung iba nagkakaroon ng tamang panahon at pagkakataon.

Akalain mo, may tinulungan lang dati — ngayon, may negosyo na.

Magandang halimbawa ang isang misis sa Cavite na mahilig sa kimchi. Para makatipid, bumili siya ng 10kg box at nirepack ito at pinost sa FB group ng magkakapitbahay. Akala niya panlibre lang sa sarili, pero lumaki ito — ngayon, may suki na nya ang buong barangay.

May mag-asawang namang parehong dating service crew sa food court. Walang degree, pero marunong magluto. Unti-unting nag-ipon ng pantayo ng maliit na catering service. Ngayon, sila na ang kinukuha sa mga kasal sa barangay hall.

May isang lolo na dating tricycle driver. Nung nagka-pandemya at humina ang pasada, bumili siya ng pre-loved na bisikleta at nag-apply bilang delivery rider. Hindi man kalakihan ang kita, pero sapat para sa gamot nya at gatas ng apo.

May tindera ng school supplies na nagsimula, gamit ang isang lumang mesa’t dalawang estante. Ngayon, may maliit na syang puwesto sa palengke. Dun sya hinahanap ng mga estudyante na laging bumabalik para bumili ng pad paper, ballpen, lapis at eraser.

Saan ka man nagsimula, MSME ka pa rin. At laging tandaan na may saysay ang negosyo mo, online man yan, food business, sari-sari store, o pagdedeliver.

Ang tagumpay ay hindi lang trophy na nakadisplay o headline sa balita.

Minsan, tahimik lang siyang dumarating sa anyo ng respeto, sa lakas ng loob, o sa araw-araw mong pagpupursige.

Walang iisang itsura ang tagumpay. Iba-iba ang anyo. Iba-iba ang kwento.

Pero pare-parehong humahangad ng marangal na kabuhayan at mabigyan ang pamilya ng magandang buhay.

At sa bawat unang hakbang, bawat araw ng pagkayod, bawat pagkakataon na naiisip mong “kaya ko pala” — doon mo makikita ang tunay na tagumpay.

Mga Haligi ng Ekonomiya: Ang Tunay na Ambag ng mga MSME

Pag sinabi mong “negosyo,” ang unang naiisip ng marami ay mga malalaking kumpanya. ‘Yung may billboard sa EDSA, aircon sa opisina, o sariling building sa Makati.

Pero ang totoo, halos lahat ng negosyo sa Pilipinas ay MSME.

Ayon sa DTI, 99.6% ng rehistradong negosyo sa bansa ay micro, small, at medium enterprises, tulad ng mga tindahan sa kanto, food business sa palengke, o service shop sa tabi ng eskinita. Sila ang patuloy na nagpapagalaw sa ekonomiya sa araw-araw.

Pero hindi lang kita ang naibibigay ng MSME sa mga entrepreneur o negosyante. Sa tuwing may nabebenta, may natutulungan din. Sa bawat serbisyo naibigay, may nasusuportahan.

MSME din ang bumubuhay sa ibang MSME.

Kapag may sari-sari store, kailangan niya ng supplier. Kapag may nagtitinda ng pagkain, kailangan niya ng tricycle na magde-deliver. Kapag may maliit na catering outfit, pupunta ‘yan sa local printing shop para magpagawa ng menu o flyers.
Dahil dito, ang MSME ay hindi lang contributor. Tagapag-ikot din sila ng pera, tagalikha ng trabaho, at tagasuporta ng kapwa MSME.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, 67% ng mga empleyado sa bansa ay nagtatrabaho sa MSME. Sabi naman sa isang report ng Foxmont Capital Partners, halos 40% ng kabuuang kita ng ekonomiya (GDP) ay galing sa kanila.

Pag sinabing MSME, hindi lahat ay may DTI registration o barangay permit. May mga nagsisimula pa lang. May mga di pa alam kung paano magsimula.

Pero kahit ganun, may ambag pa rin sila. Bumibili ng produkto. Gumagamit ng serbisyo. Nakakapagpaikot ng kita sa komunidad.

Tingnan natin ang mga sektor na bumubuo sa karamihan ng mga MSME sa Pilipinas. Baka mahanap mo ang para sayo.

 

  • Wholesale at Retail Trade. Ito ang pinakamalaking sektor ng MSME sa Pilipinas — halos kalahit ang sakop nito. Dito napasailalim ang mga sari-sari store, mini-grocery, ukay-ukay, tindahan ng gadget accessories, school supplies, at iba pa. Madaling simulan kahit maliit ang puhunan, kaya maraming Pilipino ang sumusubok dito bilang unang negosyo.
  • Accommodation at Food Service. Kasama rito ang mga food business tulad ng karinderya, lutong ulam, paresan, milk tea stand, food truck, at home-based baking. Kasama rin dito ang mga simpleng accommodation services gaya ng boarding house, transient home, at maliit na inn — karaniwang sideline ng mga may bakanteng kwarto o bahay. Ito ang ikalawa sa pinakamalaking sektor (15%) nga mga MSME.
  • Manufacturing. Ika-tatlo sa pinakamalaking sektor ng mga MSME (11%). Kabilang dito ang mga gumagawa ng produkto mula sa simula — homemade na sabon, kandila, kakanin, native handicrafts, at processed goods gaya ng peanut butter o dried mango. Kadalasan, ang mga negosyong ito ay nagsisimula sa bahay gamit ang sariling recipe o kaalaman tapos nagiging supplier ng sari-sari store, online seller, o food stall sa palengke.

 

  • Mga Iba’t-Ibang Serbisyo. Tinatayang nasa 10% ng MSME ay nasa sektor na ito. Kasama rito ang mga parlor, barberya, laundry shops, mga mananahi, nagaayos ng aircon o cellphone, at iba pa. Depende ito sa iyong kakayahan. Kung marunong kang manahi, mag-ayos ng gadgets, o maggupit, pwedeng-pwede mo itong pagkakitaan.
  • Agriculture and Agribusiness. ‘Di man kasama sa top 5, mahalagang bahagi ito ng komunidad ng mga MSME, lalo na sa mga probinsya. Kasama rito ang pagtatanim ng gulay, prutas, halamang gamot, o pag-aalaga ng manok, baboy, at isda. Pwedeng maging supplier sa palengke o magbenta sa mga karinderya, food stall, o online seller. Yung iba, nagpoproseso ng sariling ani, tulad ng banana chips, bottled tuyo, o chili garlic oil, tapos binebenta sa komunidad o sa online.

Makikita mo na kahit iba-iba ang linya ng negosyo, iisa ang direksyon — ang makatulong sa pamilya, makasabay sa gastos, at kung maaari, umangat-angat nang kaunti ang buhay.

Kaya kung ikaw ay may ideya, hilig, o gustong subukan, nandito ang Tagumpay para gabayan ka. Hindi kailangang malaki ang simula. Ang mahalaga, nagsimula ka.

Anong Meron sa Tagumpay?

Simple lang. Andito kami para tulungan kang magka-idea, magka-linaw, at magka-lakas ng loob sa pagnenegosyo. Para ito sa mga seryoso sa kanilang mga pangarap, kahit maliliit na hakbang palang ang ginagawa.

Dito, makakabasa ka ng mga kwento ng totoong tao — mga negosyanteng gaya mo, na may sariling diskarte, tiyaga, at saya. 

Iba iba ang simula, pero pareho ang pangarap, Tagumpay sa Buhay

Maaaring makita mo ang sarili mo sa mga pinagdaanan nila, at baka mahanap mo rin ang sagot sa mga tanong mo. Baka may diskarte silang nasubukan na pwede mo din subukan sa sarili mong tindahan, o aral na makakatulong sa iyo bago ka pa magkamali.

Mayroon ding mga tips tungkol sa kung paano mag-umpisa, magpalago, o mag-manage ng negosyo. Ang maganda, hindi ito galing sa textbook, kundi mula sa kapwa MSME. Ang mga taong dumaan na sa parehong proseso, at natutong dumiskarte sa tunay na mundo ng negosyo.

May mga gabay rin. Kung gusto mo nang magparehistro ng negosyo, tutulungan ka naming maintindihan kung kailan, paano, at saan. Step-by-step naming gagawin at ipapaliwanag sa simpleng paraan. Hindi mo kailangan ng maraming oras—basta malinaw ang hakbang, mas madali nang kumilos.

Hindi rin mawawala ang mga topic na dapat talagang pinag-uusapan:

  • Paano nga ba i-manage ang kita?
  • Ano ang tamang presyo?
  • Paano kung kailangan mo ng extrang tao, van, o supplier?

May mga resources na nakaabang. Impormasyon, contacts, at iba pang tulong na swak sa MSME. Halimbawa, kung naghahanap ka ng truck para sa deliveries o supplier ng packaging, may listahan dito ng pwedeng i-contact.

At higit sa lahat, may komunidad kang matatagpuan dito. Isang espasyo kung saan pwedeng magtanong, magbahagi, o makipagkwentuhan. Kung gusto mo lang muna makinig sa usapan, ayos lang din.

Pero dito, asahan mong walang maling tanong, at walang maliit na kwento. Gumagaan kasi ang laban kapag may kasama ka na nakakaintindi ng pinagdadaanan mo — kapag alam mong hindi mo tinatahak ang daan nang mag-isa.

Ang Tagumpay ay para sa mga gustong magsimula, gustong magpalawak, at minsan, gustong magsimula ulit.

At kung binabasa mo ito, malamang isa ka sa kanila. Kaya’t kahit nasaan ka man sa negosyo mo ngayon — simula, paglago, o muling pagbangon — kasama mo ang Tagumpay.

Kasama Mo ang Tagumpay

Ang daan patungo sa tagumpay bilang isang MSME ay hindi palaging tuwid. Kadalasan may kasamang kaba. Minsan may kulang. Minsan, di maiwasang maligaw.

Pero sa bawat hakbang, lagi kang may pag-asa. Laging may mahahanap na posibilidad.

Dito sa Tagumpay, hindi mo kailangang mag-isa. Narito kami para sumama — hindi para manguna, kundi para sabayan ka.

Sa bawat artikulo na ilalathala, sa bawat kwento na ibabahagi, nais naming matulungan ka na mapalapit sa sariling mong tagumpay. At kung minsan, sapat na ang isang tanong na nasagot, o isang kwento na naka-relate ka, para makabuo ka ng bagong diskarte.

Kaya’t kung gusto mong matuto, magtanong, o makinig lang muna — welcome ka dito. Ang mahalaga, hindi ka humihinto.

Sa mga susunod na article, mapag-uusapan natin kung paano mag-track ng benta — at okay lang, kahit ballpen at notebook lang ang gamit mo.

Magkakaroon din tayo ng pagkakataon na mas kilalanin ang iba’t-bang sektor ng mga MSME. Kaya’t kung interesado ka magkaroon sari-sari store or nag-iisip na magsimula ng food business, madami kang matutunan dito..

Kung gusto mo na laging updated ka sa mga bagong lalabas, mag-subscribe ka. I-follow mo kami para sa mga tips, paalala, at inspirasyon na maaari mong gamitin sa negosyo mo araw-araw.

Hindi mo kailangang gawin lahat ngayon. Pero pwede kang magsimula sa isang simpleng bagay: Basahin ang susunod na kwento. Baka kwento mo na ‘yon.

Sources

  • Department of Trade and Industry. “2023 Philippine MSME Statistics.” Accessed May 17, 2025.
  • Foxmont Capital Partners. “Philippine Venture Capital Report 2025.”

Handa ka na bang simulan ang iyong Negosyo?

I-explore ang iba’t ibang business suppliers sa buong bansa at hanapin
ang tamang partner para sa iyong pangangailangan sa
paglago ng iyong negosyo.

Bumisita na sa aming directory ng mga trusted suppliers ngayon at i-level up ang iyong business operations!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Tagumpay sa Bawat Sulok

Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Alam mo ba na ang bawat maliit na negosyo na nakikita mo sa iyong paligid ay may malaking papel sa ating ekonomiya? Mula sa iyong paboritong tindahan sa kanto hanggang sa masarap na kakanin na binibili mo sa kalye, lahat sila ay bahagi ng tinatawag nating MSME o micro, small, and medium enterprises. Ang mga MSME na ito ang siyang nagbibigay buhay sa ating mga komunidad at nag-aalok ng iba’t ibang produkto at serbisyo na kailangan natin araw-araw. Ayon sa mga pag-aaral, humigit-kumulang isang milyon at kalahati na ang mga sari-sari store sa buong Pilipinas! Kayraming maliliit na tindahan na inilalapit sa atin ang mga pangunahing pangangailangan.

Kung ikaw ay naghahanap ng paraan upang magkaroon ng sariling kabuhayan at makatulong pa sa pag-angat ng ating ekonomiya, ang pagsisimula ng isang MSME ay isang magandang hakbang. Simulan natin ang paglalakbay tungo sa tagumpay!

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Iba't Ibang Uri ng Retail: Piliin ang Iyong Tagumpay

Hindi lang sari-sari store ang MSME sa larangan ng retail. Marami pang ibang puwedeng pagpilian, depende sa iyong interes, puhunan, at kaalaman. Narito ang ilan sa mga halimbawa:

  • Sari-Sari Store: MSME na Matatag sa Bawat Komunidad. Ito ang pinakakilalang uri ng maliit na negosyo sa Pilipinas. Halos lahat ng pangunahing pangangailangan ay mabibili dito, mula bigas hanggang sabon. Madalas itong matatagpuan sa mga residential area, kaya’t malapit sa mga mamimili. Ang bawat sari-sari store ay isang halimbawa ng isang entrepreneur na nagtataguyod ng sariling msme. Hindi lamang ito simpleng tindahan; ito rin ay nagsisilbing parang mainit na pulso ng ating pamayanan, kung saan nagkikita-kita at nagkukuwentuhan ang ating mga kapitbahay. Tunay nilang pinatunayan ang kanilang kahalagahan lalo na noong  panahon ng pandemya.
  • Pamilihan o Dry Market Stall: Sariwang Produkto, Tagumpay na Sigurado. Kung hilig mo ang mga sariwang produkto tulad ng gulay, prutas, karne, at isda, ang pagtitinda sa palengke ay maaaring para sa iyo. Maraming negosyante ang nagsimula sa maliit na pwesto sa palengke at umasenso dahil sa pangangailangan para sa sariwang pagkain.
  • Wholesale o Bultuhang Tindahan: Malaking Benta, Malaking Potensyal para sa Tagumpay. Kung mayroon kang mas malaking puhunan, ang pagbebenta ng bultuhan sa ibang maliliit na negosyo ay isang magandang sme. Ikaw ang magiging source ng kanilang paninda, kaya’t tuloy-tuloy ang iyong kita.
  • Tindahan sa Kalye: Abot-Kayang Paninda, Tagumpay sa Bawat Araw. Mula sa mga nagtitinda ng prutas, balot, o mga meryenda sa bangketa, sila rin ay mga entrepreneur na bumubuhay ng pamilya sa pamamagitan ng sariling pawis. Kahit maliit ang puhunan, ang sipag at tiyaga ay maaaring magdala ng tagumpay.
  • Street Vendors: Negosyong Umaabot sa Masa. Ang pagtitinda gamit ang bisikleta, motorsiklo, o kahit paglalakad ay isang paraan upang maabot ang mas maraming mamimili. Ito ay madalas na nakikita sa mga nagtitinda ng ice cream, lumpia, gulaman, taho, o iba pang mga produkto na madaling dalhin.

Ang bawat isa sa mga uri ng retail na ito ay mayroong sariling hamon at oportunidad. Ang mahalaga ay piliin ang negosyong akma sa iyong kakayahan at interes. Sa kabila ng mga hamon, maraming tindero ang umaabot sa tagumpay bilang isang sme. Karamihan sa mga nagpapatakbo ng ating mga sari-sari store ay mga kababaihan, na nagpapakita ng kanilang katatagan at kakayahang mag-ambag sa kita ng pamilya.

Mga Kwento ng Tagumpay: Inspirasyon Mula sa Kapwa Natin

Hindi kailangan ng magarbo o kilalang pangalan para makamit ang tagumpay sa pagnenegosyo. Tingnan natin ang ilang halimbawa na maaaring pamilyar sa iyo:

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Rosalie’s Kakanin

Nagsimula si Aling Rosalie sa maliit na bentahan ng kakanin sa harap ng kanilang bahay sa Marilao, Bulacan.

Dahil sa kaniyang masarap na timpla at sipag, dumami ang kaniyang suki. Kalaunan, nakapagpatayo siya ng maliit na shop sa palengke at ngayon ay mayroon na siyang maraming tauhan na tumutulong sa kaniya sa paggawa at pagbebenta sa bago niyang gusali sa NLEX Marilao Exit.

Ang kaniyang food business ay patuloy na lumalago dahil sa kalidad ng kaniyang produkto. Umaabot na din sa iba’t ibang parte ng bansa ang mga produkto ng Rosalie’s dahil maraming resellers na nag aangkat mula sa kanila.

Mang Tony's Prutasan

Araw-araw, maagang gumigising si Mang Tony sa Banay-banay, Batangas, para mamili ng sariwang prutas sa bagsakan. Gamit ang kaniyang lumang tricycle, nililibot niya ang iba’t ibang barangay para ibenta ang kaniyang paninda.

Dahil sa kaniyang mabait na pakikitungo at palaging sariwang produkto, marami ang tumatangkilik sa kaniya.

Nakapagpaaral na siya ng kaniyang mga anak sa pamamagitan ng kaniyang msme.

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME
Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Tiya Maria's Turo-Turo

Mula sa maliit na lamesa sa gilid ng kalsada, nagsimula si Tiya Maria sa pagbebenta ng chicharon mga lutong ulam sa Carcar, Cebu. Dahil sa kaniyang masarap at abot-kayang food business, hindi lang mga residente kundi pati na rin mga manggagawa sa malapit ang kaniyang naging customer.

Dinadayo na din siya ng mga turista na galing pa sa iba’t ibang lugar sa Cebu, kasama na ang Oslob.

Ngayon, mayroon na siyang maliit na karinderya at tindahan ng chicharon na patuloy na pinagkakakitaan ng kaniyang pamilya.

Tatay Pedro's Fertilizer and Farm Supply

Si Tatay Pedro ay nagsimulang magbenta ng mga abono at iba pang gamit sa bukid sa maliit na lamesa sa harap ng kanilang bahay sa Aliaga, Nueva Ecija. Dahil alam niya mismo ang pangangailangan ng mga magsasaka sa kanilang lugar, naging suki niya agad ang marami.

Sa paglipas ng panahon, nakapagpatayo siya ng maliit na tindahan.

Ngayon, hindi lang abono ang kaniyang binebenta kundi pati na rin mga binhi at simpleng gamit sa pagsasaka, na nakakatulong sa maraming entrepreneur sa agrikultura na makamit ang tagumpay.

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME
Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Aling April’s Pasalubong Center

Mula sa pagtitinda ng mga kasuy at lokal na produkto sa kanilang bakuran sa Morong, Bataan, tuwing may mga dumadaan o bumibisita, si Aling April ay naisipang magtayo ng maliit na pasalubong center malapit sa Morong Gate ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Dahil sa kaniyang masasarap na produkto at suporta sa iba pang maliliit na food business sa kanilang lugar, dumagsa ang mga mamimili. Ngayon, isa na siyang kilalang negosyante sa kanilang probinsya, na nagbibigay din ng oportunidad sa iba pang msme na makilala ang kanilang mga produkto. Magpasahanggang-ngayon din ay naglalako pa rin siya ng kasuy sa Petron sa Subic Bay kung saan marami na siyang suki na siya ang hinahanap. Araw-araw siyang nagbabalikang-biyahe pauwi sa Morong, Bataan.

Kuya Ben's Motorcycle Repair Shop

Si Kuya Ben ay nagsimulang mag-ayos ng mga motorsiklo sa kanilang garahe sa Ticao Island, Masbate. Dahil sa dumaraming bilang ng mga gumagamit ng motorsiklo bilang transportasyon at kabuhayan, lalong dumami ang kaniyang mamimili. Nag-aangkat siya ng mga parte mula sa Masbate City, Masbate gamit ang kanyang lantsa. Kumukuha na din siya ng pasahero sa tuwing may biyahe. Ang kaniyang kasipagan at kaalaman sa pag-aayos ang nagdala sa kaniya sa punto na nakapagpatayo siya ng sarili niyang maliit na shop.

Ngayon, hindi lang siya nag-aayos kundi nagbebenta na rin ng ilang piyesa at nagbibigay ng trabaho sa iba pang entrepreneur na may hilig sa mekaniko. Ang kaniyang sme ay patuloy na lumalago dahil sa pangangailangan para sa maaasahang serbisyo sa mga motorista sa isla.

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Ang mga kwentong ito ay patunay na kahit sa simpleng pamamaraan, ang tagumpay ay maaaring makamit kung mayroong determinasyon at kasipagan. Sila ay mga entrepreneur na nagsumikap at ngayon ay nakikinabang sa bunga ng kanilang msme. Ang ating mga sari-sari store ay patuloy ring umaangkop sa makabagong panahon, tumatanggap na ng digital payments at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo. Maging ang DTI ay kinikilala ang kanilang ambag sa ekonomiya at nagbibigay suporta sa kanila.

Ang Malaking Papel ng MSME sa Ekonomiya

Ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay hindi lamang nagbibigay ng kabuhayan sa mga indibidwal at kanilang pamilya. Malaki rin ang kanilang kontribusyon sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.

  • Paglikha ng Trabaho: Ang mga SME ang isa sa mga pangunahing lumilikha ng trabaho sa Pilipinas. Sa bawat maliit na negosyong naitataguyod, mayroong mga bagong oportunidad sa pagtatrabaho para sa ating mga kababayan.
  • Pagpapalakas ng Lokal na Ekonomiya: Ang mga MSME ay madalas na nakasentro sa mga komunidad, kaya’t ang kanilang kita ay nananatili at umiikot sa loob ng lokal na ekonomiya. Ito ay nagpapalakas sa iba pang maliliit na negosyo at tumutulong sa pag-unlad ng buong lugar.
  • Pagbibigay ng Iba’t Ibang Produkto at Serbisyo: Mula sa pangunahing pangangailangan hanggang sa mga espesyal na produkto, ang mga entrepreneur sa pamamagitan ng kanilang msme ang nagbibigay nito sa atin. Ang kanilang pagiging malikhain at maparaan ay nagreresulta sa mas maraming pagpipilian para sa mga mamimili.
  • Pagiging Tulay sa Pag-unlad: Ang tagumpay ng isang msme ay maaaring maging inspirasyon sa iba pa na magsimula rin ng kanilang sariling negosyo. Ito ay lumilikha ng isang positibong siklo ng paglago at pag-unlad sa ating ekonomiya.

Ayon sa datos, malaki ang bilang ng mga MSME sa Pilipinas at malaki rin ang kanilang ambag sa ating Gross Domestic Product (GDP). Sa bawat sari-sari store, sa bawat food business sa kalye, mayroong isang entrepreneur na nagsusumikap para sa kaniyang tagumpay at para sa pag-angat ng ating bansa. Ang mga sari-sari store ay matagal nang bahagi ng ating kasaysayan at kultura, na nagmula sa simpleng pagbebenta ng sobrang gamit sa bahay hanggang sa maging matatag na maliliit na tindahan. Ang kanilang katatagan sa harap ng mga pagbabago at sakuna ay kahanga-hanga. Sila ay sumasalamin sa ating pagiging maparaan at sa diwa ng bayanihan.

Tagumpay sa Bawat Sulok: Gabay sa Pagsisimula ng Iyong Sariling MSME

Simulan ang Iyong Daan Tungo sa Tagumpay

Ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay hindi lamang nagbibigay ng kabuhayan sa mga indibidwal at kanilang pamilya. Malaki rin ang kanilang kontribusyon sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa

Maghanap ng Ideya: Ano ang iyong hilig? Ano ang kailangan sa iyong komunidad? Mula dito, maaari kang makabuo ng ideya para sa iyong msme. Maaaring ito ay isang sari-sari store, isang maliit na food business, o pagtitinda ng iba pang produkto.

Gumawa ng Simpleng Plano: Hindi kailangan ng magarbo o matinding business plan sa simula. Ang mahalaga ay mayroon kang ideya kung sino ang iyong target na customer, magkano ang iyong puhunan, at kung paano mo ibebenta ang iyong produkto o serbisyo.

Maghanap ng Puhunan: Maaaring magsimula sa maliit na halaga mula sa iyong savings o mula sa tulong ng pamilya. Mayroon ding mga microfinance institutions na maaaring magpautang sa mga nagsisimulang entrepreneur.

Magsimula Nang Maliit: Hindi kailangang agad-agad ay malaki ang iyong operasyon. Ang mahalaga ay makapagsimula ka at matuto habang ikaw ay umaandar.

Maging Matiyaga at Masipag: Ang tagumpay ay hindi nakukuha ng mabilisan. Kailangan mong paghirapan at pagtiyagaan ang iyong negosyo.

Ang bawat entrepreneur na nakamit ang tagumpay ay nagsimula sa maliit na hakbang. Kaya, kung mayroon kang pangarap na magkaroon ng sariling msme, huwag kang matakot sumubok. Tandaan na ang bawat sari-sari store ay may sariling kuwento ng pagsisikap at pag-asa.

Suportahan ang MSME, Suportahan ang Tagumpay ng Pilipinas

Sa bawat pagkakataon na bumibili tayo sa isang sari-sari store, sa isang nagtitinda sa palengke, o sa isang food business sa kalye, hindi lamang natin tinutugunan ang ating pangangailangan. Tayo rin ay sumusuporta sa pangarap ng isang entrepreneur at tumutulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Kaya, sa susunod na ikaw ay mamimili, isipin mo ang malaking epekto ng iyong maliit na pagbili sa isang msme. Sama-sama nating suportahan ang mga micro, small, and medium enterprises para sa patuloy na tagumpay ng ating bansa. Ang bawat sari-sari store at bawat maliit na negosyo ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na Pilipinas. Maging bahagi ka ng kanilang tagumpay! Ang bawat tinderang nagbabantay sa kanyang tindahan ay isang inspirasyon. Patuloy nating suportahan ang ating mga msme, ang puso ng ating mga pamayanan, at ang tunay na lakas ng ating bansa. Sama-sama tayong magtulungan tungo sa mas marami pang tagumpay para sa ating lahat!

Handa ka na bang simulan ang iyong Negosyo?

I-explore ang iba’t ibang business suppliers sa buong bansa at hanapin
ang tamang partner para sa iyong pangangailangan sa
paglago ng iyong negosyo.

Bumisita na sa aming directory ng mga trusted suppliers ngayon at i-level up ang iyong business operations!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay
Header-Image-Article-2

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Ang Tamis ng Tagumpay

Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Bago pa man dumami ang branch ng Mang Inasal sa mga mall, bago pa nauso ang mga delivery app, matagal nang may mga food business na binabalik-balikan sa kanto — ang isang halimbawa ay ang mga Jolly Jeep.

Alas-onse pa lang, may pila na agad. Hindi sa Jollibee o sa KFC, kundi sa maliit na food truck na nagbebenta ng sisig, longganisa, o lumpiang shanghai. Naka-polo man o naka-sando, pare-parehong gutom at nagmamadali makakain bago bumalik sa trabaho.
“Yung pila? Umaabot minsan ng kalahating oras,” kwento ni Joey, na halos isang dekadang naging suki ng mga Jolly Jeep. “Kaya kami, 11:30 pa lang, baba na agad.”

May kanya-kanya rin siyang paborito. “Kay Mang Lirio ako sa umaga kung gusto ko ng almusal na medyo healthy, tulad ng tuna o itlog. Sa tanghali, kay Ate Alice — yung Sisig sa Rada. Pag Friday, monggo. Sa Jolly Jeep ko natutunan na Friday = Monggo Day.”

Simple lang ang ulam — tapa, itlog, gulay, liempo — pero para sa maraming empleyado, malaking bagay ito. Lalo na kung wala nang oras magluto bago pumasok.

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Kay Mang Lirio ako sa umaga kung gusto ko ng almusal na medyo healthy, tulad ng tuna o itlog

Joey

Suki sa Jolly Jeep

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

“Pagod na ako pag-uwi, so hindi ko na kayang magluto ng pambaon kinabukasan, kayasa JollyJeep na lang ako bumibili. Mas mura rin. Yung natitipid ko, bumabalik sa pambili ng bigas o grocery sa bahay,” dagdag niya.
Makikita mo sa ganitong food business na hindi kailangan ng aircon o signage na may ilaw. Ang kailangan lang ay diskarte, tiyaga, at suking bumabalik araw-araw.

Ang kwento ng JollyJeep ay kwento rin ng maraming food service MSMEs mula karinderya hanggang sa lutong-bahay na binebenta sa Facebook group. Nagsimula sa pangangailangan, sa hilig, o minsan, sa simpleng tanong na “Anong pwedeng pagkakitaan ngayon?”

Maliit man ang pwesto, malaking kabuhayan ang naibibigay. Ganito ang lasa ng tagumpay. Isang kutsarang diskarte, dalawang dakot ng tiyaga, at isang pusong punong-puno ng “Kaya ko’to.”

Lutong-Bahay to Food Business: Saan Nagsisimula ang Tagumpay?

Saan nga ba nagsisimula ang isang food business?Madalas, hindi ito planado. Hindi ito yung may malaking capital agad o detalyadong business plan. Minsan, isang tray lang ng lumpia para sa kapitbahay, o spaghetti sa birthday ng pamangkin.

Sa umpisa, lutong-bahay lang. Habang naglalabao naghahanda para matulungan ang anak sa module nya, may niluluto. Pagtapos na, ililipat sa lalagyan, pipicturan gamit ang cellphone at ipopost sa Facebook group. Pag may nag-order, may food business ka na! Yung iba, ginagamit ang 13th month pay. May iba naman, may pangangailangan na dapat punuan — nawalan kasi ng trabaho noong pandemic. At ano ang napiling negosyo? Isang kilong embutido, ilang pirasong bananacue, o isang bilaong pancit canton para sa merienda ng kapitbahay.

Kahit sa bahay lang niluluto at ikaw lang ang gumagawa ng lahat, bahagi ka na ng food business community ng Pilipinas. At kapag pinasok mo ito bilang kabuhayan, itinuturing ka nang parte ng lumalawak na sektor ng MSMEs— kahit nagsisimula ka pa lang.

Tandaan, hindi mo kailangan ng magarang logo o slogan para masabing may ambag ka sa lokal na ekonomiya. Ang mahalaga: may diskarte, may puso, at may suki.

At doon magsisimula ang tagumpay. Hindi sa laki ng puhunan, kundi sa lakas ng loob na sumubok.

Minsan, nauuna talaga ang ulam bago ang pangalan. Pero basta masarap ang pagkain at maganda ang serbisyo, tuloy-tuloy ang kwento

Food Service at MSMEs: Gaano Kalaki ang Ambag ng Maliliit na Negosyo?

Malaki ang ambag ng food business sa mga MSME sa Pilipinas. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), noong 2023, nasa 190,899 ang negosyo sa sektor ng Accommodation and Food Service Activities — halos 15.4% ng lahat ng MSMEs sa bansa.

Pero hindi lang ito numero. Ang bawat food business ay may kwento kung paano ito nakatulong para kumita, makaraos, at makapagbigay ng abot-kayang pagkain sa komunidad. Tara, silipin natin ang iba’t ibang anyo ng food service sa Pilipinas:

  • Karinderya o turo-turo. Lutong ulam sa kaldero, kadalasang may mesa’t upuan. Pero may iba, take-out lang. Tulad ng karinderya sa tabi ng palengke na may adobo, ginisang gulay, at libreng sabaw tuwing tanghali.
  • Food cart. Fishball, kwek-kwek, milktea, siomai na nakikita mula sa kanto hanggang mall. Isipin si Ate na may milktea sa labas ng school o si Kuya na may Mr. Siomai sa terminal.
  • Jolly Jeep. Parang maliit na food truck na madalas naka-parada sa gilid ng building o sa parking lot, may takip sa bubong, at nag-aalok ng sisig, longganisa, at ulam sa styro o plastic tray. Mas mura kaysa sa fast food, at mas mabilis din para sa mga empleyadong gutom na.
  • Online food seller. Nasa bahay nagluluto, tapos binebenta sa Facebook o Viber. Pre-order para sakto ang luto, gaya ng graham float ni Tita o ulam na ready-to-heat.
  • Pagkain na nilalako sa kalsada. Taho sa umaga, ice drop sa hapon, balut sa gabi. Gamit ang balde, padyak, o tray.
  • Ice candy at halo-halo sa tapat ng bahay. Patok tuwing tag-init. May sign si Ate na “Ice Candy ₱5 lang.” Di lang lakas maka-refresh, lakas din maka-benta.

Lahat ng ito, kahit gaano kaliit, ay food business na may malaking papel sa kabuhayan at sa tagumpay ng MSMEs.

Mga Kwentong Tagumpay ng Food Entrepreneurs

Maraming food entrepreneurs or negosyante sa Pilipinas ang nagsimula sa maliit, pero tumagal o lumago dahil sa tiyaga, galing, at pagmamahal sa lutong Pinoy. Akalain mo, minsa ang putaheng niluto lang para sa kapitbahay unti-unting naging kilalang food business.

Ang mga susunod na kwento ay patunay na kahit galing sa simpleng simula, pwedeng humantong sa tagumpay. Tulad ng karamihan, dumaan din sila sa panahon na ang bumibili lang ay suki, kaibigan, o kapitbahay.

Maliit man ang panimula, malaki at malayo ang maaaring marating. Kung ikaw ay may food business o balak palang magsimula, baka ito na ang inspirasyon na hinihintay mo.

Diskarte sa Jeep: Ang Kwento ng Sisig sa Rada

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Hindi mo kailangan ng aircon o sosyal na pwesto para magtagumpay sa food business. Minsan, isang magandang ulam lang ang puhunan (at syempre, mga suki na bumabalik araw-araw).

Sa gitna ng Makati, sa likod ng mga matataas na building at mamahaling kainan, matatagpuan ang mga Jolly Jeep. Para sa maraming empleyado, ito ang sagot sa araw-araw na tanong na, “Saan tayo kakain?”

Ang isa sa pinakasikat? Ang Sisig sa Rada.

May pila dito halos araw-araw, hindi lang dahil sa presyong abot-kaya, kundi dahil sa lasa ng sisig na paulit-ulit binabalikan.
Ayon sa Booky, ito ay itinuturing na isang pioneer sa industriya. Higit sa 30 taon na nagsisilbi ang Sisig sa Rada at bukod sa sisig, nag-aalok din sila ng iba pang lutong-bahay na ulam tulad ng laing at tapa. Hindi ito sosyal, pero solid ang lasa.

Patunay ito na kahit sa maliit na puwesto, basta’t masarap ang luto at maganda ang pakikitungo sa mga suki, pwede ka nang makabuo ng negosyo na tumatagal.

Hindi ito kwento ng overnight success. Ito ay kwento ng araw-araw na diskarte. At ‘yan ang tunay na lasa ng tagumpay.

Maraming food business ang nagumpisa sa isang simpleng ideya. Parang ang Potato Corner — french fries lang ito, pero may fl avor. Noong 1992, apat na magkakaibigan ang nagsama-sama at nag-ipon para makapagtayo ng maliit na food cart sa SM Megamall.

Ang target nila? Mga estudyante, mga batang mahilig sa chibog, at mga magulang na gusto ng mabilis at murang merienda. Pinatimplahan nila ang fries ng cheese, BBQ, sour cream, at dahil kakaiba ito noong panahong ‘yon, mabilis lumaki ang negosyo.

Sa loob ng tatlong taon, lagpas 100 na ang stalls nila sa Pilipinas. Umabot na din ito sa ibang bansa, tulad ng U.S., Hong Kong, at Dubai. Noong 2024, nasa mahigit 2,000 na ang branches ng Potato Corner sa buong mundo.

Para sa gustong pumasok sa food business, magandang halimbawa ito. Bukas sa franchising ang Potato Corner, kaya may pagkakataon ang mga bagong negosyante na magsimula gamit ang kilalang brand. Bonus pa na may sistema at kasamang suporta.

Mula sa maliit na cart, naging inspirasyon ito sa maraming food entrepreneurs. Patunay na kapag pinagsama ang tiyaga, diskarte, at malasakit sa customer, kahit simpleng merienda, pwedeng maging tagumpay na pang-worldwide.

Fries Lang Noon, Franchise na Ngayon: Ang Kwento ng Potato Corner

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Bacolod Bites: Ang Mga Kwento ng Sharyn’s at Manokan Country

Ang Tamis ng Tagumpay: Mga Kwento ng Food Business sa Pilipinas

Sa Bacolod, maliban sa MassKara Festival, ang pinupuntahan talaga ng tao ay pagkain. At sa mundo ng food business sa lungsod, dalawang pangalan ang lagi nang laman ng usapan: Sharyn’s Cansi House at Manokan Country.

Noong 1985, nagsimula si Delia Perez ng maliit na carinderia na may apat lang na mesa at pinangalan niya ito sa anak niyang si Sharyn. Ang specialty nila ay cansi, beef soup na parang pinagsamang bulalo at sinigang. Pero imbes na calamansi o sampalok, batuan ang gamit na pampaasim.

Dahil sa kakaibang lasa, dinarayo ang Sharyn’s ng mga taga-Bacolod at pati mga turista. Noong 2017, kasama pa ito sa Top 50 World Street Food Masters. Isang lutong-bahay na naging world-class sa mundo ng food service.

Kung legit na chicken inasal naman ang hanap mo, ang Manokan Country ang sagot. Dito mo matitikman ang inasal na may usok, may katas, at may sawsawang maalala mo habang-buhay.

Kahit kasalukuyang nirerenovate ang Manokan Country, patuloy pa rin ang food business ng mga nangungupahan sa pansamantalang pwesto nila sa SM City Bacolod. Kasi ang lasa, ang kultura, at ang diskarte, hindi nawawala kahit saan mo ilipat.

Ito ang kwento ng pagkaing may pusong Bacolodnon. Simpleng ulam, pero naguumapaw ang tamis ng tagumpay.

Diskarteng Pangkusina: Tips Para sa Maliit na Food Business

Ang matagumpay na food business ay hindi lang nakasalalay sa lutong ulam. Para sa maraming negosyante, ang tagumpay ay galing sa araw-araw na diskarte — sa bawat desisyon mo sa kusina, sa budget, sa oras, at sa serbisyo.

Narito ang ilang aral mula sa maliliit na food business na nagsimula sa bahay, sa food court, o sa catering. Iba-iba man ang kwento, pare-pareho silang may bitbit na tiyaga at tunay na malasakit.

  • Simulan sa Simpleng Menu at Planadong Galaw. Hindi kailangang magluto ng marami agad-agad. “Mas okay magfocus muna sa isa o dalawang produkto,” sabi ng isang home-based cook. Mas madaling mapanatili ang quality, at mas klaro ang galaw.
  • Alamin ang Galaw ng Budget at Imbentaryo. “Sa umpisa, lahat nirentahan namin — mula chafi ng dish hanggang kutsara,” kwento ng isang caterer. “Pero natuto kaming unahin ‘yung gamit na paulit-ulit naming kailangan.” Kung home-based seller ka, pre-order system ang sagot para walang sayang at siguradong bago.
  • Ayusin ang Serbisyo Dahil ‘Yan ang Babalikan ng Suki. “Kapag may nag-inquire, ako mismo ang sumasagot,” kwento ng isang home baker. “Doon ko rin nakukuha kung anong gusto nila — mula sa lasa hanggang sa packaging.” Hindi lang panlasa ang bumabalik, kundi tiwala.
  • Galingan, Kahit Walang Nakakakita. “Ang nakikita lang ng suki ay ‘yung pagkain sa mesa,” sabi ng isang caterer. “Pero bago ‘yan, may maagang gising, buhat, setup, at linis.” Hindi man bongga, dapat laging maayos, malinis, at may kalidad.
  • Feedback ang Tunay na Sukatan ng Tagumpay. “Yung anak ko, lumpiang togue mo lang kinakain,” kwento ng isang suki sa home cook. Isa namang online seller, nung lilipat na sila ng bahay, sinabihan ng, “Mamimiss namin ang kimchi n’yo.” Hindi lang pagkain ang binebenta, koneksyon din.

Pabaon sa Tagumpay

Hindi laging madali ang magpundar ng food business.

Maaga ang gising, mainit sa kusina, at madalas, kailangan mong pagsabayin ang pagluluto, pag-aasikaso ng order, at pag-deliver. Pero sa bawat pagkain na inihahain, may pamilyang naaalagan, may suking nabubusog.

Marami sa mga MSME sa Pilipinas ay bahagi ng food service sector — mga karinderya, food cart, online seller, o catering na nagsimula lang sa simpleng tanong na, “Paano kaya kung subukan ko?”

Hindi mo kailangan ng malaking puhunan o sosyal na pwesto para matawag na matagumpay. Minsan, sapat na ang masabihan ng, “Ang sarap ng luto mo!” o ang batang nag-aabang ng paborito niyang ulam tuwing uwian.

Kung ang kita ay may halong pagmamahal at diskarte, tagumpay na rin ‘yon.

Kaya kung nagsisimula ka ng food business (o nag-iisip palang kung susubok ka), tandaan: hindi ka nag-iisa. Sa lutong bahay ka man mag-umpisa, pwedeng maging lutong tagumpay ang kwento mo.

Sources

– Department of Trade and Industry. “2023 Philippine MSME Statistics.”
Accessed May 16, 2025.
– Bacolod Lifestyle and Travel Guide. “Manokan Country: A Fusion of Tradition and Progress in Bacolod City.”
Accessed May 16, 2025.
– Daily Guardian. “Demolition of Old Manokan Country Site Begins.”
Accessed May 16, 2025.
– GMA News Online. “DOT: Sharyn’s Kansi Nod A Validation Of NegOcc’s Rich Culinary Tourism.”
Accessed May 16, 2025.
– Sunstar. “Sharyn’s Cansi: World-Class Beef Soup.”
Accessed May 16, 2025.

– Backscoop. “Potato Corner: The Filipino Food Cart That Shook The World.”
Accessed May 16, 2025.
– Bilyonaryo.com. “Po Family Bets on Potato Corner to Fuel Shakey’s Overseas.”
Accessed May 16, 2025.
– Business World. “Potato Corner Hits 2,000th Store.”
Accessed May 16, 2025.
– TripAdvisor. “Sisig sa Rada.”
Accessed May 16, 2025.
– Booky. “6 of the Must-Try Jollijeep Stalls in Makati.”
Accessed May 16, 2025.

Handa ka na bang simulan ang iyong Negosyo?

I-explore ang iba’t ibang business suppliers sa buong bansa at hanapin
ang tamang partner para sa iyong pangangailangan sa
paglago ng iyong negosyo.

Bumisita na sa aming directory ng mga trusted suppliers ngayon at i-level up ang iyong business operations!

May Kwentong Tagumpay?

Let's Celebrate Together!

Kung mayroon kang inspiring na MSME success story, o nais mong ibahagi kung paano ka namin natulungan sa pag-unlad, gusto naming marinig ito! Ibahagi ang iyong kwento sa amin at mag-inspire ng marami pang iba. Makipag-ugnayan na ngayon at ma-feature sa aming platform!

Kwentong Tagumpay